Janno Gibbs speaks up on network transfer: “Sana suportahan nyo pa rin ako kung anuman ang mangyari.”

Ayon sa singer-comedian na si Janno Gibbs, wala pang konkretong detalye kung saan na siya lilipat. Aniya, iaanunsiyo niya kaagad ito pag pulido na ang usapin sa kanyang lilipatang istasyon. Ipinagtanggol naman niya ang sarili lalo na sa usapin ng loyalty.


Marami ang ginulat ni Janno Gibbs sa balitang umalis na ito ng GMA network na naging tahanan niya sa loob ng halos 30 taon.

Nitong Biyernes, April 24, unang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang nagpaalam na nga ang singer-actor sa mga executives ng GMA.

Read: FIRST READ ON PEP. Janno Gibbs bids goodbye to GMA Network; reportedly moving to TV5

Hindi naramdaman ng publiko na may balak na palang mag-ober-da-bakod si Janno, dahil nitong Martes, April 21, ay nagkaroon pa ito ng pocket presscon para sa kanyang bagong album na Novela, under GMA Records.

Napag-usapan pa ni Janno at ng PEP ang tungkol sa kumpetisyon sa kinabibilangan nitong Sunday All Stars at sa katapat nito sa ABS-CBN na ASAP.

Read: Janno Gibbs on SAS and ASAP competition: “Honestly, mahirap tapatan ang ASAP na head-on...”

“SANA SUPORTAHAN N'YO PA RIN AKO…” Sa pagkalat ng balita ng paglipat, maraming mga taga-hanga ng singer-comedian ang nalungkot.

Nagpahayag ang kanyang mga followers ng kalungkutan sa kanyang paglisan sa Kapuso network sa pamamagitan ng Instagram.

Nagbigay naman si Janno ng mensahe sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan din ng Instagram.

Saad niya, “Guys! Thank you sa lahat ng message nyo! Thank you for ur concern! I really appreciate it! Sana suportahan nyo parin ako kung ano man ang mangyari. As of now..i cant formally announce anything. But i promise to post pag may final na. God bless us all:)”

LOYALTY. Hindi rin naman mapigilan ng ibang follower ni Janno ang maglabas ng kanilang nararamdaman laban sa aksyon na ito ng singer-comedian.

Sabi ni @josiepazon, “Basta kami solid kapuso. Mag thank you ka kc di ka nila pinabayaan and byeee.”

Tanging sagot ni Janno, “Galit ka?”

Sa isa pang post sa Instagram, na larawan ng kanyang dalawang anak, muling nagkomento ang naturang follower.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “At least janno wala kang masasabi sa kapuso kc kahit anot ano man ang attitude mo binigyan kp din ng work.”

Tila hindi naman napigilan ni Janno ang emosyon. Sagot niya dito, “@josiepazon Bakit galit ka? At bakit parang kung magsalita ka kilala mo ako at lahat ng nangyayari sa buhay ko?”

Hindi na sumagot ang naturang follower sa buwelta ni Janno.

Tungkol naman sa loyalty ang tema ng komento ni @yakuipotpot. Sabi nito, “Idol ipinagmamalaki ko pa naman loyal ka sa kapuso parang kuya germs ang peg…”

Tugon niya, “@yakuipotpot Ako rin pinagmamalaki ko na loyal ako.”

CAREER GROWTH. Sabi naman ng isang follower, ang isang celebrity ay naghahanap minsan ng growth sa kanyang karera.

Komento ni @asheasis, “Wala tayo magagawa. Growing is part of being an artist. And idol @jannolategibbs never stop growing. Marami pa syang idea of what he wants for himself. Kung d niu sya mapapanood well... Ako din. Joke! Of course I'll watch him pag nsa TV-5 na sya. Idol wag ka lang lilipat sa ABS huh. For us fans parang sign of betrayal yun. We love you! Goodluck on whatever your decision is.”

Nagpasalamat naman si Janno sa naturang komento. Aniya, “@asheasis Thank you for being fair in ur comment! Masakit kasi basahin ung iba. Na judge agad ako at ang loyalty ko. Will come out w a clear statement pag may final answer na. But watever it is..i follow what God thinks is best for me as an artist and whats best for my wife n kids:)”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN