Rumored couple Daniel Matsunaga and Erich Gonzales post sweet photos on Instagram

Hindi pa man tuwirang umaamin sa tunay na estado ng relasyon nila, makikita sa mga larawang ipinost nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales sa kani-kanilang Instagram accounts na may ‘something special’ na namamagitan sa kanila. Maging ang ina ng Brapanese model ay kini-claim nang “family” ang tubong-Davao na si Erich.


Hindi pa man nila tuwirang inaamin sa publiko ang totoong estado ng kanilang relasyon, sobrang kinilig ang mga tagahanga nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, o ang #DanRich fans, sa sweet moments ng dalawa habang nasa bakasyon.

Nauna nang pumutok ang balitang nagkakamabutihan ang dalawa pagkatapos kumpirmahin ni Kris Aquino na hiwalay na si Erich sa non-showbiz boyfriend nito of four years.

Read: Kris Aquino confirms Erich Gonzales's breakup with non-showbiz BF; Erich dating Daniel Matsunaga?

OUT-OF-THE-COUNTRY ESCAPADE. Biyernes, April 24, kumalat sa social media ang larawan nina Erich at Daniel na nakunan diumano sa airport papuntang Hong Kong.

Kinabukasan, April 25, sabay na nag-post ang dalawa sa kani-kanilang Instagram account ng larawan nilang magkasama.

Ang caption ni Erich: “Thank you God for days like this that makes me happy ♥️”

Thank you God for days like this that makes me happy ♥️

A photo posted by Erich Gonzales (@erichgg) onApr 25, 2015 at 6:52am PDT

Samantala, isang simpleng “Happy” lamang ang caption ni Daniel kasama ang hashtag na “#Godisgood.”

Happy :) #Godisgood

A photo posted by Daniel Kenji Matsunaga (@dandanmatsunaga) onApr 25, 2015 at 3:39am PDT

Samantala, nag-post naman ang ina ni Daniel na si Geralda Matsunaga ng larawan ng anak at ni Erich, kung saan sinabi nito sa caption na: “Love is beautiful! Thank you Lord Jesus!
#blessed #myfamilymylife #loveJesus #JesusIsOurStrength #danrich

Love is beautiful! Thank you Lord Jesus! #blessed #myfamilymylife #loveJesus #JesusIsOurStrength #danrich

A photo posted by Geralda Matsunaga (@gegematsunaga) onApr 25, 2015 at 7:44am PDT

“MINHA LINDA.” Kahapon, April 26, nag-post naman si Daniel ng photo collage ng mga larawan nila ni Erich sa kanilang pamamasyal.

Sa caption, sinabi nitong: “Me and minha linda :) just happy #Godisgood.”

Me and minha linda :) just happy #Godisgood.

A photo posted by Daniel Kenji Matsunaga (@dandanmatsunaga) onApr 26, 2015 at 6:46am PDT

Ang “minha linda” ay Portuguese words na ang ibig sabihin ay “my beautiful girl.”

Ang huling nakarelasyon sa showbiz ni Daniel ay si Heart Evangelista, na ikinasal nitong Pebrero kay Senator Franchis "Chiz" Escudero.


OVERLAP? Kaugnay ng tila kumpirmado nang relasyon nina Erich at Daniel, may ilang nagtatanong kung nag-overlap ba ang relasyon ng aktres sa ex-boyfriend at kay Daniel.

May blind items kasing lumabas na habang ongoing pa ang teleseryeng Two Wives, nagkakalabuan na diumano si Erich at ang non-showbiz guy.

Kasama sa primetime show ng Kapamilya network si Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diumano, kinausap ni Erich ang kanyang ex-boyfriend na magkunyaring sila pa rin nung mga panahon na iyon, dahil baka raw magalit ang kanyang fans.

Nagpadala na ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Erich, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, upang makahingi ng statement ukol dito.

Makailang beses na ring tinawagan at tinext ng PEP si Daniel ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sumasagot sa aming mga katanungan.

Mananatili namang bukas ang PEP sa pahayag ng dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN