Nora Aunor gets financial assistance from Boy Abunda for her surgery in Boston

A Nora Aunor starrer will be shown as an entry in the prestigious Cannes Film Festival this year. The Superstar says, “Masayang-masaya ako dahil ito bale yung pangalawa na pelikulang naipasok sa Cannes... yung una ay ang Bona... Napakatagal na magkaroon ako ulit ng pelikula na natanggap sa Cannes.”


Nagpapatuloy ang muling pagkinang ni Nora Aunor sapul nang maging aktibo na naman siya sa pag-arte sa harap ng kamera.

Sunud-sunod din ang awards na nakukuha niya.

Tatlo ang nakuha niyang Best Actress awards this year sa pagganap niya sa pelikulang Dementia.

Una at pangalawa ay mula sa Gawad Tanglaw at sa sa PMPC Star Awards For Movies. Ang ikatlo ay sa Gawad PASADO kung saan ka-tie niya ang kanyang sarili para sa Dementia at Hustisya.

Ang latest ay ang Outstanding Performance By An Actress In A Single Drama/Telemovie Program mula sa 6th Golden Screen TV Awards, para sa kanyang pagganap sa Studio5 Original Presents: When I Fall In Love ng TV5.

Ginanap ang awards night nitong Linggo, April 26, sa Carlos P. Romulo Auditorium, sa RCBC Plaza, Makati City.

Read: 6th Golden Screen TV Awards: GMA-7 rules; Dingdong Dantes, Maricel Soriano win top drama acting honors

Sabi ni Nora sa PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media pagkatapos niyang tumanggap ng parangal, “Iba ang pakiramdam kapag binibigyan ka ng mga ganitong parangal.

“Masaya at talagang nakakataba ng puso.

“Ito ang nagbibigay ng karagdagang inspirasyon para sa aming mga artista.”


INTERNATIONAL ACCLAIM. Kamakailan ay ginawaran din si Nora ng Lifetime Achievement Award sa katatapos na ASEAN International Film Festival na ginanap sa Malaysia.

Ang international action star na si Jackie Chan na dumalo rin doon ay tagahanga rin pala niya.

“Hindi naman po!” nangiting reaksiyon dito ng Superstar.

“Nakakatuwa lang na… yung pagtanggap ba?

“Maski na hindi tagaroon si Jackie Chan, pero nung pagbaba ko pagkatapos kong mag-speech, talagang sinalubong ako.

“E, nakakataba talaga ng puso ‘yon. Biro mo, hindi lang dito sa atin kundi yung…

“Idol ko pa ang nakita ko doon at sinasalubong ako para batiin.”

May pelikula rin si Nora nakapasok sa Un Certain Regard section ng Cannes International Film Festival ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Brillante Mendoza's Taklub, starring Nora Aunor, joins Cannes Film Fest 2015

“Ito yung Taklub na ginawa namin sa Tacloban tungkol sa aftermath ng Yolanda.

“Yung tungkol sa survivor, iyon ang kinunan namin doon.

“Masayang-masaya ako dahil ito bale yung pangalawa na pelikulang naipasok sa Cannes.

“Kasi yung una ay ang Bona,” pagtukoy niya sa pelikulang ginawa niya noong 1980 kasama si Phillip Salvador.

Dagdag pa ni Nora, “Ako ang nag-produce nun. At dahil medyo kinapos, hindi kami nakahabol sa deadline.

"So, yung Bona ay ipinalabas na lang sa Directors' Fortnight.

“Pero ito ngayon… kelan ba ‘yon? Napakatagal na magkaroon ako ulit ng pelikula na natanggap sa Cannes.”

Kailan siya aalis patungong Cannes?

“Ay, hindi ko pa po alam. Siyempre ang susundin ko, maghihintay ako kung ano yung sasabihin sa akin ni Direk Dante [Brillante Mendoza]."

Pero siguradong pupunta siya roon?

“Kung ano ang sasabihin ni Direk siyempre.”


SURGERY. Kinumpirma rin ni Nora na tuloy na ang kanyang pagpapaopera sa kanyang lalamunan.

Naibigay na raw sa kanya ng TV host na si Boy Abunda—na aminadong isang die-hard Noranian—ang naipangako nitong pinansiyal na tulong para sa Superstar.

“Naka-schedule akong umalis ng June 7 at naka-schedule akong operahan ng June 10,” banggit niya.

Sa Boston, Massachusetts isasagawa ang kanyang operasyon.

Ang isasagawang operasyon ang inaasahang makapagpapabalik sa kanyang boses para muli siyang makakanta.

Kinakabahan ba siya?

Sagot ni Nora, “Malakas ang loob ko at ang tiwala ko rin sa Panginoon… hindi naman siguro Niya ako pababayaan.

“Matagal ko nang hinihintay ito na maoperahan ako para maibalik ulit yung aking pag-awit para sa mga kababayan ko.”

PACQUIAO FIGHT. Dahil maingay na pinag-uusapan at inaabangan ang nalalapit na laban ni Manny Pacquiao kontra kay Floyd Mayweather Jr., natanong din si Nora hinggil dito.

May mensahe ba siyang nais ipaabot sa binansagang Pambansang Kamao?

“Siguradong mananalo ‘yon!” sabay ngiti niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya… congratulations! Binabati ko na siya, ngayon pa lang.

“Good luck. Good luck po sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN