Vice Ganda congratulates Eat Bulaga! for Golden Screen win; was Vic Sotto’s “grab, copy, paste” remark intended for It’s Showtime?

Nitong Martes, April 28, binati ng mga host ng It’s Showtime si Vic Sotto sa kanyang birthday at ang pagkakapanalo ng Eat Bulaga! bilang Outstanding Variety Show sa 6th Golden Screen TV Awards.


Binati ng mga host ng It’s Showtime ang katapat nilang programa na Eat Bulaga! sa napanalunang award ng huli sa 6th Golden Screen TV Awards.

Ang It's Showtime ang daily noontime program ng ABS-CBN, samantalang ang Eat Bulaga! naman ang longest-running noontime program na napapanood ngayon sa GMA Network.

Noong Martes, April 28, matapos batiin ni Jhong Hilario ang manager niyang si Direk Chito Roño sa kaarawan nito, binati rin niya ang main host ng Eat Bulaga! na si Vic Sotto.

Nagdiriwang kasi ng kanyang ika-61 kaarawan noong araw na iyon si Vic.

“Gusto rin nating batiin ang isa pang bossing, Vic Sotto.

“Bossing, happy, happy birthday!” bungad ni Jhong.

Naging hudyat naman ito para sabay-sabay bumati ang iba pang kasama niyang hosts; kagaya nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, at Kim Atienza.

Isinunod naman ni Vice ang pagbati sa kalabang show sa pagkapanalo nito ng katergoryang Outstanding Variety Program sa 6th Golden Screen TV Awards.

Nominado rin sa nasabing kategorya ang It’s Showtime.

Si Vice ang nag-uwi ng Outstanding Male Host Award para sa It’s Showtime, samantalang si Julia Clarete naman ang ginawaran ng Outstanding Female Host Award para sa Eat Bulaga!.

Read: 6th Golden Screen TV Awards: GMA-7 rules; Dingdong Dantes, Maricel Soriano win top drama acting honors


BOSSING’S INNUENDO. Samantala, sa episode ng Eat Bulaga! noong Sabado, April 25, tila nagpasaring si Vic sa segment ni Vice sa It's Showtime.

Sa “Problem Solving” portion ng "Juan For All, All For Juan" segment ng Eat Bulaga, may mga taga-barangay na nagpapahayag ng kanilang problema.

At magbibigay naman ng mga payo ang segment hosts na sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, at Wally Bayola, kunsaan kadalasan ay idinadaan nila sa pagpapatawa ang kanilang mga payo.

Mayroon ding advice-giving portion ang It’s Showtime na tinatawag na “AdVice Ganda,” kung saan nakikilala si Vice sa kanyang karakter na Madam Bertud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa episode ng Eat Bulaga! noong Sabado, nabanggit ni Wally ang salitang “advice” habang binabasa ang sagot ng isang texter para sa kanilang "Problem of the Day."

Nag-react dito si Jose at humirit ng: “Huwag mong bibigyan ng advice, sa kabila yung advice.”

Sinabi ni Jose na sa halip na advice, gamitin niya ang salitang “payo.”

Mula naman sa studio ay nagkomento si Vic na tila patama sa portion ni Vice sa It’s Showtime.

Aniya, “Kasi naman, hindi mag-isip ng kanila, e.

“Parang ano lang, e, grab, paste, copy, paste… grap, copy, paste. Galing!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN