Did Sam Concepcion snub ex-girlfriend Jasmine Curtis-Smith?

Sam Concepcion and Jasmine Curtis-Smith are smiling as they pose for a group shot during their accidental encounter at the Fort last night.


Hindi nga ba pinansin ni Sam Concepcion ang ex-girlfriend niyang si Jasmine Curtis-Smith nang magkita sila sa isang event kahapon, April 28?

Isang source ang nagsabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakitang umiiyak si Jasmine sa loob ng comfort room ng 100 Miles Cafe, sa The Fort, Bonifacio Global City, sa Taguig, kagabi, April 28.

Ayon sa source, ang pag-iyak daw ni Jasmine ay dahil sa hindi pagpansin sa kanya ni Sam.

Sa kabilang banda, isa pang source ang kumausap sa PEP ngayong araw, April 29, upang pabulaanan ang unang naibalita sa PEPalerts.

Ayon sa source, hindi totoong hindi binati ng Kapamilya singer-actor ang Kapatid actress.

Sa katunayan, una pa raw bumati si Sam kay Jasmine.

Nakakuha rin ng larawan ang PEP kung saan makikitang nakangiti pareho sina Sam at Jasmine sa isang group photo, na tila kuha mula sa event ng World Vision.

Ngunit sinabi rin ng source na ito na may pagkakataong naluha si Jasmine sa event, bagamat hindi nito matukoy kung ano ang dahilan.

Ito ang unang pagkakataong nakitang magkasama sina Sam at Jasmine simula nang maghiwalay sila noong January.

Read: Jasmine Curtis-Smith and Sam Concepcion break up


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN