Glaiza de Castro reveals Marian Rivera fought for her inclusion in The Rich Man’s Daughter

Glaiza de Castro recalls determination of Marian Rivera to get her in The Rich Man’s Daughter: "Tinawagan niya talaga ako, ‘Ipu-push kita dito!’ Kumbaga, ’Nakikipag-away ako para dito.’”


Inamin ni Glaiza de Castro na naging emosyunal niya nang malamang nag-backout si Marian Rivera sa primetime series nilang The Rich Man's Daughter.

Kinailangang mag-backout ni Marian sa proyekto dahil maselan ang pagbubuntis nito sa una nilang anak ng kanyang mister na si Dingdong Dantes.

Read: Marian Rivera withdraws from The Rich Man's Daughter

Kuwento ni Glaiza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Na-emo ako ako, viniber ko siya.

"Sabi ko, ‘Kahit na ano ang mangyari, nagpapasalamat ako.’

“Kasi, isa siya talaga sa malaking parte kung bakit ako nasa The Rich Man’s Daughter.

“Kumbaga, nung time na bago pa kami magsimula, tinawagan niya talaga ako na, ‘Ipu-push kita dito!’

“Kasi bilang siguro nakapag-establish na kami sa Temptation of Wife, sa Amaya, kumbaga naging kumportable na siya sa akin.

“So, may mga times pa nga na, ‘Bai, mag-pray ka kasi may mga ibang kinu-consider for this.’

“Kumbaga, 'Nakikipag-away ako para dito!’” ang tumatawang kuwento pa ni Glaiza tungkol sa pag-uusap nila noon ni Marian.

Patuloy niya, “So, tinext ko siya, sabi ko, ‘Gusto kong magpasalamat sa iyo sa pakikipaglaban mo para sa akin.

“‘Kahit ano ang mangyari, andito lang din kami para suportahan ka at mag-pray sa iyo, sa pamilya mo, sa bagong chapter ng buhay mo.’”

Ayon kay Glaiza, marami na silang na-tape na eksena ni Marian bago pa ito nabuntis.

Sa The Rich Man's Daughter ay gumaganap silang lovers.

“‘Tsaka mahirap talaga, yung tipong nakikipag-break siya sa akin.

“And sasabihin ko sa kanya, ‘Huwag mo akong iwan, kailangang-kailangan kita!’”

Wala naman daw nakunan pa na kissing scene sa kanila ni Marian.

“More on forehead-to-forehead, suggestive, mga sexual tensions.”


PRAISE FOR RHIAN. Ano naman ang saloobin niya na pinalitan ni Rhian Ramos si Marian bilang bida sa The Rich Man's Daughter?

Sagot ni Glaiza, “Naniniwala ako sa kakayahan ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, habang nag-eeksena kami, nagugulat nga ako sa kanya.

“Never ko siyang nakitang ganun.

"Kumbaga, nung time na nakatrabaho ko siya sa Stairway To Heaven, given na magkaaway kami.

“Nasanay ako na inaapi-api ko siya, na umiiyak-iyak siya, ganun.

“Pero with this, ibang atake yung ginawa niya, at masasabi ko na para din sa kanya yung project.

“Though nakakapanghinayang, kasi talagang pinaghandaan namin ni Yan [Marian] yung mga gagawin namin for this, e.

“Talagang nagtatawagan kami, nagkakamustahan, tinatanong namin kung ano yung role ng isa’t isa para iba yung characters namin.”

Sila raw ni Rhian ay nakunan na rin ang mga eksena dati nila ni Marian.

May pagkakaiba ba o pagkakapareho?

“May difference. May difference dahil siguro sa ibang atake nila?

“Pero yung level, pareho.

“Siguro nagkakaiba lang talaga the way they deliver their dialogues, ganun.

“Pero parehas lang, e.”

SINGLE & BUSY. Single ngayon si Glaiza. Pero bakit ba wala siyang boyfriend?

“Busy ako, e!” at tumawa ang aktres.

May nanliligaw naman daw sa kanya ngayon.

“Non-showbiz, matagal ko na itong kilala.

“Kaya lang, yung parang hindi pa kasi ako handa to enter into a relationship.

“‘Tapos ngayon nagkasabay-sabay pa lahat ng mga ginagawa ko…

“Inspirado ako na binibigyan niya ako ng effort.

“Pero yung tipong sasabihin niya, ‘Kailan puwedeng pumunta sa bahay ninyo para mapagpaalam sa magulang mo...’

"Hindi ko masagot, kasi palagi akong wala sa bahay!"

Isang businessman ang naturang manliligaw ni Glaiza.

Ang huling naging boyfriend niya ay si Felix Roco. Magkaibigan ba sila ni Felix?

Sabi ni Glaiza, “Casual. Yung hindi na kami super-friends at saka hindi ko na rin kasi siya nakikita.”

Hindi kaya matsismis siyang tomboy, lalo pa nga't isang lesbian ang papel niya sa The Rich Man’s Daughter?

Sagot ni Glaiza, “Well, hindi naman ako magugulat kung sasabihin nila na ganun bilang dati may lumalabas nang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ako, secure ako sa sarili ko na babae talaga ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN