Regine Velasquez holds no grudges towards disappointed fans on Twitter

Nagpaliwanag na ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez kung bakit niya sinagot ang ilang sa kanyang disappointed fans sa Twitter. Pahayag niya, “I felt like I needed to say something, because they weren’t really bashing me. They were just feeling bad because they think I forgot to thank them. That was just it.”


Naging mainit ang palitan ng mensahe ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at ng ilang niyang followers sa Twitter noong April 29.

Medyo hindi nagustuhan ng singer-actress ang pagtatampo diumano ng ilan sa kanyang fans dahil nakalimutan daw nito silang pasalamatan.

Isa pa sa naging punto ng kanilang sagutan ay ang balak ni Regine na maging instrumento ang kanyang boses para sa pagpupuri sa Panginoon.

Read: Regine Velasquez lashes back at her disappointed fans: "Ano akala niyo sa akin, robot?"


“NEEDED TO SAY SOMETHING.” Kaninang hapon, May 4, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa launching ng kanyang bagong endorsement.

Dito ay inusisa namin ang Kapuso star sa pakikipagtalo niya sa ilan niyang fans.

Noong una ay medyo atubili pa si Regine na sagutin ang aming mga katanungan, pero nagpaunlak na rin siya kalaunan.

Pahayag niya, “Naku, huwag na nating pag-usapan yun.

"It’s… it was just something that I had to do.

“I felt like I needed to say something because they weren’t really bashing me.

"They were just feeling bad because they think I forgot to thank them. That was just it.

“And you know, they were feeling… parang the way nakuha ko, parang they didn’t like that I’m gonna use my voice to glorify God.

"What's so wrong with that? Nothing is wrong with that.

“So, I felt I had to say something.

"But now, I had no grudges.

"I don’t hate them, hindi ako galit, nothing.

"I just felt that I needed to say something."

Matapos ang question-and-answer portion, natanong muli si Regine tungkol sa kanyang pagpatol sa ilang fans.

Buwelta niya, “Why not? If you feel that you have the right, that’s my account anyway.

“If my followers feel that they have the right to criticize, 'coz that’s what they feel, dahil meron tayong tinatawag na freedom of expression, I also have the right to say that this is how I feel about the whole thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun lang yun.

"If, for example, they will get upset because I did something like that, then, kagaya nung mga sinasabi nila, they should not be on social media thing, ‘no?

“Kasi, if you’re going to feel upset, you shouldn’t have an account on social media.

"But I think that’s my voice, this is my account.

"Kayo nga, if you feel that you all have the right to criticize, tapos ako hindi… tapos ako, wala akong right na ipagtanggol ang sarili ko.

“Besides, hindi ako papatol para awayin, I don’t do that. Hindi ako makikipag-away.

"I voice out my piece, opinions about the matter."

Dagdag pa ng Songbird, kung ang mga nagkomento ay mga bashers lamang, hindi niya ito papatulan; unless pamilya na niya ang pinag-uusapan.

Pero galing daw kasi ito sa kanyang fans kaya niya sinasagot.

Nakausap ng PEP at iba pang media si Regine sa presscon ng PLDT Home Regine Telsets Series, na ginanap sa Annabel’s Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Ang naturang endorsement ni Regine ay bagong landline models na may kaakibat na murang subscription at akmang-akma para sa mga ina ngayong nalalapit na ang Mother’s Day.


LET THE LOVE BEGIN. Sa ibang balita, dapat sana ay kasama si Regine sa cast ng bagong primetime series ng GMA Network na Let The Love Begin, na nagsimulang umere ngayong gabi, May 4.

Ngunit nagdesisyon ang singer-actress na huwag itong tanggapin.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kanyang pagsabak sa primetime soap na ito ng Kapuso network?

Saad ni Regine, “GMA is very aware of where I am now.

"That’s why I keep saying that I’m very grateful to them.

"Kasi aware sila sa sitwasyon ko and they know that I am a hands-on mom, and my priority right now is family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They’re very aware of that, that’s why I’m always being given time.

"Nung hindi ko matanggap yung Let The Love Begin, naintindihan nila, even though kasado na ako na yun na talaga yun.

“But since last minute din na naging… kasi andami din nilang kailangan ayusin, na-last minute ako nang very light.

"I don’t think it’s their fault, they just needed to iron a lot of things out.

“Kinunsider naman yung reasons ko for not taking it.”

Nanay sana ni Ruru Madrid ang magiging papel ni Regine sa Let The Love Begin, na napunta sa balik-Kapuso na si Ai-Ai delas Alas.

Open na ba talaga siya sa mother roles?

Sagot ni Regine, “A, depende sa role, depende…

"Kasi I’m a mom na rin naman talaga. Depende sa story.

“Kaya lang kasi, hindi din ako… kasi I’m a concert artist, so parang...

"Kumbaga, parang nama-market pa ako ng kapatid ko [Cacai Velasquez] na isang concert artist.

“It’s also very hard to suddenly become a mother on TV.

"And you have to remember that television kasi, nagkakaroon yung attachment yung mga tao na kapag may ginawa kang mother role at medyo matanda yung anak mo, nag-i-stick sa mind nila yun.

"And it might be a little harder na to market me as a concert artist.

“And right now, yun ang aming priority, e.

"Although I don’t do a lot of it, but still the ones I do are big ones, big concerts.

"So, hanggang kaya pa akong i-market ng kapatid ko as a concert artist, siguro magdi-depende yung mother role sa anong klaseng istorya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN