James Reid on Nadine Lustre: "I don’t want na magkaroon kami ng something. It will just complicate things."

James Reid stays focused on his showbiz career and maintains professional relationship with onscreen partner Nadine Lustre. He says, “Before kasi, mas focused ako sa girlfriend ko kaysa sa career ko. So, right now, iba na ang focus ko.”


Bagamat subok na ang hatak ng loveteam nina James Reid at Nadine Lustre sa takilya, patuloy pa rin daw silang gumagawa ng paraan para hindi sila pagsawaan ng kanilang mga tagahanga.

Lalo na nga't inaamin ng dalawang Viva stars na walang romantic angle sa pagitan nila sa tunay na buhay.

Sabi ni James, “Actually, usually, we try to be... like, we don't want to advance early.

“We know what they want to see, we don't naturally change it, at ginagawa din lang namin ang best namin lagi.”

Sinabi naman ni Nadine na nagiging totoo lang sila sa kanilang sarili, dahil ito naman daw ang nagustuhan sa kanila ng kanilang supporters.

Bukod nga raw ito “kilig factor” na nanggagaling sa kanila, sa kabila ng katotohanang magkaibigan lang talaga sila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si James sa pangalawang presscon ng pelikulang Para Sa Hopeless Romantic, na ginanap sa Music Hall, Metrowalk, Ortigas, Pasig City, kahapon, May 6.

GIRLFRIEND MATERIAL. Sa dami na ng pinagsamahan nilang proyekto at madalas nilang pagkikita, hindi pa ba “tinatamaan” si James kay Nadine?

Saad ng Viva hunk, “Of course, Nadine is a girlfriend material.

“Pero alam naman ng fans na friends lang kami.

“At saka, I’m really focused sa career namin ngayon, sa work and we're really busy.

“So, it's delicate. I don't wanna ruin it.

“And as so far as we can go, I don't wanna ruin it, it's just the start."

Hindi kaya kinu-control lang niya ang anumang nararamdaman para sa kanyang onscreen partner?

Nakangiting sabi ng Kapamilya actor, “Well, I do control, you know, whatever emotions I have for Nadine.

“When you work with someone and act, and love, of course, it doesn't....

“Sinabi ko na rin before na as long as we're working together, I don't want na magkaroon kami ng something, yeah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It will just complicate things.

“I've seen it before with some friends working together.”

PROFESSIONAL THING. Ano ba ang tipong babae ni James?

Tugon ng PBB Teen Clash of 2010 big winner, “I don't have... wala akong specific type, you know.

“And kaming dalawa [ni Nadine], we just fell out of our relationships last year.

“So, we're on a professional thing right now.

“I've moved on already… I'm focused on myself.’

Ano ba ang hinahanap niya na parang wala kay Nadine?

Ayon kay James, “I'm not looking for anything right now... that's why, I think.

“My priority is really my work, my family.

“Dati kasi, nagkaroon ako ng girlfriend, then nasira ang career ko.

“Yeah, this is after PBB.

Ang tinutukoy ni James na naging girlfriend niya pagkatapos ng Pinoy Big Brother ay si Ericka Villongco, na sumabak na rin sa pag-aartista.

Read: Newcomer Ericka Villongco breaks silence about breakup with James Reid

Patuloy ng 21-year-old actor, “Before kasi, mas focused ako sa girlfriend ko kaysa sa career ko.

“So, right now, iba na ang focus ko.”

Para rin nga raw siyang isang hopeless romantic.

“Yes,” pakli niya.

LET'S TALK... Kung may mga tsismis sa kanya tungkol sa ibang babae, ipinapaliwanag ba niya ito kay Nadine?

Sagot ni James, “Actually, kung may mga rumor, siyempre we talk about it.

“Or, actually, I tell her about it even before it comes out.

“Yeah, I admit kung sakaling nagkamali ako, na I'm friendlier to some...

“But, yeah, I try to tell her everything.”

Bilang onscreen partner, mas gusto ba niyang walang boyfriend si Nadine para mapangalagaan ang JaDine loveteam?

Tugon ng Fil-Australian actor, “I think, kahit meron siyang boyfriend, if ever, it won't affect us. It won't affect our loveteam.

“I mean, most of things and all the stuff are based on what we have.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There are things we find in our lives... that's what I use in acting.

“I think, kahit meron siyang boyfriend, it won't make a difference.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN