Kylie Padilla refuses to give details about relationship with new boyfriend Matt Henares

Kylie Padilla on keeping her lovelife private: "This time, mas gusto ko tahimik lang. Kasi masyado nang messy ang last breakup ko. Masyado nang open, This time, ayoko na magsalita."


Maingat si Kylie Padilla sa mga sagot niya nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang rumored boyfriend na si Matt Henares.

Si Matt Henares ay anak ng character actor na si Ronnie Henares at ng dating GMA Artist Center head na si Ida Henares.

Kapatid ni Matt ang TV personality na si Steph Henares at pinsang buo naman niya ang Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Read: Kylie Padilla in a relationship with Rhian Ramos's cousin?

Nakausap ng PEP si Kylie sa story conference ng bagong drama series niya sa GMA Network kahapon, May 7. Ito ay ang family drama na pinamagatang Buena Familia.

Kasama niya rito sina Julie Anne San Jose, Jake Vargas, Martin del Rosario, at ang ‘90s loveteam na sina Bobby Andrews at Angelu de Leon.

Sabi ni Kylie tungkol sa kanyang bagong proyekto, “Ganito ang gusto ko, e, yung family drama. Gusto ko yung mga domestic na kuwento.”

MATT IS MY GUY. Ngunit nang madako ang usapan sa lalaking nali-link sa kanya ngayon ay halatang iwas sa pagsagot ang Kapuso actress.

Mas gusto raw ni Kylie na gawing pribado ang kanilang relasyon kaya ayaw niyang magdetalye kapag tungkol sa kanilang dalawa ang tinatanong namin.

Paliwanag niya, “This time, mas gusto ko tahimik lang.

“Kasi masyado nang messy ang last breakup ko. Masyado nang open,

"This time, ayoko na magsalita."

Pero inamin ni Kylie na alam na ng kanyang amang si Robin Padilla ang tungkol kay Matt.

Sinasabi lang daw sa kanya ng ama na susuportahan siya nito kung saan siya masaya.

Sa kabilang banda, hindi pa raw niya naipakilala nang personal si Matt kay Robin dahil nasa Australia pa ang binata. Pero balak daw niyang ipakilala si Matt pagbalik nito ng bansa.

Ang gusto lang daw sana ni Robin, kung sino man ang lalaking susunod na ipakilala ni Kylie ay siya nang makakasama nito habambuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Kylie, “Hindi ko naman sinasabi na gusto ko na mag-asawa, pero yun na dapat yung goal ko.

“Yun ang gusto ni Papa, na pag mag-asawa…”

Tango lang naman ang isinagot ni Kylie nang tinanong namin kung makikipagkita ba si Matt sa kanyang inang si Liezl Sicangco na nasa Australia. Pero ayaw na raw niyang ikuwento ang tungkol dito.

Inamin ng 22-year-old actress na naipakilala na siya ni Matt sa pamilya nito, pero ayaw rin niyang magkuwento ng detalye ng kanilang pagkikita.

NON-SHOWBIZ. Ang natutunan daw kasi ni Kylie sa pakikipagrelasyon ay mas mabuting tahimik na lang at huwag nang masyadong i-open.

Maliban dito, hindi naman daw taga-showbiz si Matt kahit na ang mga magulang, kapatid, at pinsan nito ay nasa entertainment industry.

Ngayon lang din daw napagtanto ni Kylie na iba pala talaga kapag non-showbiz ang nakarelasyon.

“Ayoko na sana magsalita, pero ayoko na sa showbiz.

“Mas madali kasing magtiwala pag hindi showbiz.

“Saka gusto ko talaga na pangmatagalan. Ayoko na patalun-talong lang.

“Yun din ang gusto ni Papa, e,” saad ni Kylie.

Dagdag pa niya tungkol sa relasyon nila ni Matt, “Kasi naggu-grow ako, e.

“Matalino siya, e, marami akong natutunan.

“Hindi ko kinu-compare, pero mas aware ako ngayon.

“Mas nag-iisip ako sa mga desisyon ko. Kung ano lang ang nararamdaman ko yun.”

ALJUR ABRENICA. Samantala, inamin ni Kylie na nagkabalikan sila noon ni Aljur Abrenica pagkatapos nilang mag-break.

Pero hindi rin daw ito nagtagal.

“Medyo long story ‘yan. Medyo maraming nangyari, e.

“It just didn’t work. I tried my best pa rin.

“Pero after trying that last time, yun na yung gumising sa akin na hindi talaga mag-work.

“Maraming problema, pero hindi talaga.

“Basta ayoko na magsalita,” sabi ni Kylie, na halatang gusto nang tapusin ang isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN