Joey de Leon cites word play as reason behind Nepal quake tweet

Joey de Leon on his misinterpreted Nepal quake tweet: “Naglalaro ako sa word. Ang naaalala ko lang na sinabi ko, yung tungkol sa Rest In Peace. EveRest in Peace. Anong masama dun? Yun ang sinasabi ko, kulang sa utak ang ibang nangba-bash. Wala namang masama, Everest in Peace, anong masama? Masama kung sinabi ko, ’Everest in freeze,’ yun ang bad. Manigas.”


Kung mayroon man daw sikreto ang isang Joey de Leon sa tagal na niya sa industriya, at kung paano niya nagawang magsumikap at makapag-ipon para sa sarili at sa kanyang pamilya, ito ay ang kaisipang hindi sila artista kundi mga trabahador din katulad ng mga ordinaryong tao.

Pahayag ng veteran comedian-TV host, “Kami nila Jose [Manalo], hanggang ngayon, hindi artista ang turing namin sa sarili namin. Kami ay trabahador pa rin.

“Yun ang isang maganda, para sa lahat, na hindi kami nagmamarunong.

“Kahit sikat ka na o sikat ang tingin sa ‘yo, kung mahal mo ang trabaho mo, trabaho ka pa rin at tingin mo, trabahador ka pa rin habambuhay.

“Maganda lang ang kita at sikat ka, pero ‘wag mong isiping sikat na sikat ka at hindi ka mauubusan. Dahil walang forever.

"Tinanong ko kanina, 'May forever ba?' Walang forever.

“Tayo ay magtrabaho at seryosohin natin.

“Mahalin natin ang trabaho, pati mga katrabaho, ‘wag lang sobre ang mahalin at mga katrabahong babae.”

Dugtong pa ni Joey, “At saka ‘yang mga networks, nakakasuka na yung mga away-away.

“Ang gawin na lang natin, mag-entertain tayo ng taong-bayan.

"Parang Puregold, walang pinipili. Kahit mayayaman, kahit sobra-sobra ang kabuhayan. Ganun dapat tayo.

“Nakakasawa, e. Parinigan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Joey sa presscon ng Puregold kahapon, May 8, sa Valencia Events Place.


DEALING WITH BASHERS. Dahil sa madalas na pagiging prangka at palabiro ni Joey, hindi maiiwasang may mga nangba-bash din sa kanya sa social media.

Paano niya ito hina-handle?

Saad niya, “Magugulo ang isip ng mga bashers.

"Minsan may mga bashers, pero emotional.

"May basher bang emotional? Wala, wala lang magawa yun.

“Kapag nangba-bash ka, ibig sabihin, wala kang mai-share na magandang ideya sa pinapasok mong item or whatever.”

Nabibiktima talaga siya ng mga bashers?

“Hindi ko tinatawag na biktima. Inaaway ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, ‘wag mo lang pansinin.

“Intriga lang ang mga bashers-bashers na ‘yan.

"Basher nga... short for basura," biro niya.

Limitado na ba ang mga ipinu-post niya sa social media dahil sa mga bashers o ibang interpretasyon ng makakabasa?

Pahayag ni Joey, “A, pipiliin mo ang ipu-post mo.

"Ibang bashers naman kasi, masyadong sineseryoso ang pinu-post mo. Masyadong nagiging sensitibo.

“Kapag nagkamali ka naman, tingin mo, madali namang bawiin mo, alisin mo, mag-sorry ka.

“Ganun lang naman yun.

“Minsan, hindi mo naman mini-mean ang sinasabi mo. Nagpapa-cute ka lang, nagpapatawa ka lang, nila-lighten mo lang.

“Huwag lang naman yung diretsong-diretso or may sharp na comment.

“Meron naman naglalaro ka lang. Yung iba, sineseryoso.

“Nagugulat ka nga, yung nangba-basher pa, minsan naghahanap lang ng mali o maninira. Sila pa yung parang pumapapel.

“Wow, emotional pa sila!”

Naaapektuhan na rin ba siya?

Sagot ni Joey, “Wala, kaya nga hindi ko pinapansin.

"Bihira lang namang dumarating ‘yan.

"Unang-una, hindi naglalagay ng tunay na pangalan ang mga ganyan.

“E, ikaw, nakalagay ang tunay na pangalan mo.

"Kaya minsan, hahamunin mo, 'Uy, magpakilala ka muna bago tayo mag-usap.'”


NEPAL QUAKE TWEET ISSUE. Sa isang banda, tinanong din si Joey sa naging biro niya sa Twitter tungkol sa lindol sa Nepal, kung saan may ilang netizens ang nag-react.

Read: Joey de Leon draws flak over tweet on Nepal quake

Pero ayon sa Eat Bulaga! host, “Wala na yun, tapos na yun. Hindi ko pinansin yun.

“Naglalaro ako sa word.

"Ang naaalala ko lang na sinabi ko, yung tungkol sa Rest In Peace. 'EveRest in Peace.' Anong masama dun?

"Yun ang sinasabi ko, kulang sa utak ang ibang nangba-bash.

“Wala namang masama, 'Everest in Peace,' anong masama?

"Masama kung sinabi ko 'Everest in freeze,' yun ang bad. Manigas."


ON WILLIE'S NEW SHOW. Hiningan din ng komento si Joey sa pagsisimula ng bagong game show ni Willie Revillame sa GMA Network, ang Wowowin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpu-promote naman ni Joey, “Sa Sunday, malapit na, alas-kuwatro yata.

"Abangan niyo sa Startalk, baka may balita kami tungkol diyan.

“And welcome to Kapuso, Willie.

"Galing din siya sa Kapamilya, alam niyo naman si Willie, galing din sa Kapatid, lilipat din ‘yan,” biro ni Willie, kaya nagkatawanan ang ilang TV crew at entertainment press na nag-i-interview sa kanya.

Pero bawi niya agad, “Joke lang! Joke lang, Pareng Willie.

“Welcome, Willie, and good luck sa ‘yo.

"Ang laki raw ng opening niya, 1,000 dancers.”

Sa palagay ba ni Joey ay magtatagal na si Willie bilang isang Kapuso?

“Sana.

“E, dyusko naman, hindi na rin naman bumabata si Pare. Nasa sa kanya.

“Lahat naman ng ginawa ni Willie is his own doing.

"Hindi rin naman kami magkaiba niyan, magkasama rin naman kami," sabi ni Joey.

Magge-guest ba siya sa show nito?

“Depende. E, ang hirap ng schedule ko. Sunday, pahinga ko na yun.”


ENDORSEMENT. Sa isang banda, may limang taon na ring celebrity endorsers ng Puregold sina Joey at Vic Sotto.

Halos ganun na rin daw katagal na araw-araw nilang kasama ang naturang supermarket sa kanilang daily noontime show na Eat Bulaga!

Sabi nga ni Joey sa ginanap na presscon ng Puregold para sa kanilang annual Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention, na magaganap sa May 20-24 sa World Trade Center, “Kung ang Bulaga, e, extension na ng aming kusina, ang Puregold, e, plato namin at saka kutsara’t tinidor.

“Siyempre, nakakatuwa at nakakataba ng puso.

"Kaya kami rin naman, sinusuklian namin ang ibinibigay na pagmamahal ng Puregold.

“In return, inaalagaan namin at kasama namin sila kahit saan kami magpunta.

“Mula nang mag-umpisa sila sa Eat Bulaga!, palagay ko, hanggang forever kung may forever.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN