Sandra Seifert now in Italy with Cesar Montano’s sister?

Hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig nina Cesar Montano at Sandra Seifert tungkol sa balitang buntis na diumano ang dating beauty queen sa anak nila ng action star. Base naman sa posts sa social media, may netizens na nag-upload ng larawan ni Sandra kasama ang kapatid ni Cesar na si Marimer Hamilton na nakatira na ngayon sa Italy.


Nagkatotoo na ba ang bulung-bulungang mula sa Amerika ay tutuloy ng Italy sina Cesar Montano at Sandra Seifert upang doon daw ipanganak ang kanilang magiging supling?

Diumano, sa nakatatandang kapatid ni Cesar na si Marimer Hamilton muna mamamalagi si Sandra habang ipinagbubuntis ang anak nila ng actor-director.

Sa Italy nakatira ang kapatid ni Cesar na kilala rin sa tawag na Ate Ched.

Ayon sa Instagram post ni @butterfinger00000 nitong Sabado, May 9, magkasama raw sina Sandra at Marimer sa Italy.

Kalakip nito ang larawan ng dalawa.

Caption niya dito: “Kasama ni sister sandra ang mabait na kapatid ni cesar at tanging kumwestyon sa bunso ni Sunshine na anak daw si chesca kay jinggoy! Korek @showbizchika_ph???? Hahaahaha!! #baliw #hunghang #bruha #sandraseifert #cesarmontano

Hindi malinaw kung luma o bago ang larawang ito, at kung saan ito kuha.

Matatandaang bago pa man ang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., napabalitang magkasamang lumipad papuntang Las Vegas sina Cesar at Sandra.

Ayon pa sa mga ulat, manonood daw muna sila ng tinaguriang "Fight of the Century" bago tumulak papuntang Italy upang doon mamalagi hanggang sa makapanganak ang Miss Earth Philippines 2009 na si Sandra.

Read: Beauty queen Sandra Seifert pregnant with Cesar Montano's child?

Sa isa pang post ni @butterfinger00000, sinabi nitong magkasabay sa isang eroplano sina Sandra at Cesar pero kunwari ay hindi raw magkakakilala ang dalawa.

Ngunit sa lumabas na larawan, hindi masyadong malinaw kung si Cesar ang lalaking naka-sumbrero at nakasalamin, pero maaaninag na si Sandra nga ang isang pasahero sa eroplano.

Caption dito: “Uyyy kunyaring di magkakilala.. Pagood na pagood si sister sandra o! Pinapagod ni baboy este buboy.. #sandraseifert #cesarmontano @manrich34 @dominion21 @teamsunshinecruz

Hindi naman kinumpirma o itinanggi ni Sandra ang pagkakaugnay niya kay Cesar.

Pahayag niya sa TV Patrol reporter na si Gretchen Fullido noong nakaraang linggo, via Viber message, sinabi ni Sandra na: “Unfortunately I cannot comment on this issue right now. Hope you understand dear.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay nito, may usap-usapan ding hindi lang diumano si Sandra ang nabuntis ni Cesar. May nabuntis din daw itong modelo na halos kasabay ng ipinagbubuntis daw ni Sandra.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon tungkol sa ulat na ito.

Ayan na #cesarmontano #sandraseifert #sunshinecruz #fashionpulis @dominion21

A photo posted by @butterfinger00000 onApr 24, 2015 at 9:28pm PDT

Mananatiling bukas ang PEP sa panig nina Cesar at Sandra tungkol sa balitang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN