Charee Pineda happy for reconciled lovers JM de Guzman and Jessy Mendiola

Charee Pineda on friend JM de Guzman: "Kung ako kay JM, talagang mas huhusayan ko, kasi alam kong natatakot siya, e. Pero mukhang ang saya-saya naman niya. At saka, mas lalo siyang gumuwapo, mas guwapo siya ngayon."


Isa si Charee Pineda sa mga natuwa nang makumpirmang nagkabalikan na officially ang magkasintahang sina JM de Guzman at Jessy Mendiola.

Sina JM at Jessy ay dalawang taon naging mag-on, dalawang taon ding nagkahiwalay, hanggang sa umamin nito lamang na sila na ulit.

Read: JM de Guzman, Jessy Mendiola rekindle their relationship

Si Charee ang dating onscreen partner ni JM sa dalawang Angelito series ng ABS-CBN—Angelito:Batang Ama, at Angelito: Ang Bagong Yugto.

Samantalang isa si Jessy sa itinuturing na kaibigan ni Chareee sa showbiz.

Pahayag ni Charee tungkol sa pagbabalikan nina JM at Jessy, “Marami nga ang nagtatanong sa akin niyan.

“Pareho ko naman silang kaibigan. Masaya ako para sa dalawa.

“Sa totoo lang, hindi ko pa sila nakakausap ulit, hindi ko pa sila nakikita.

“Although, nakaka-text ko si Jessy, pero ‘di pa namin napag-uusapan.”

Patuloy ng actress-politician, “Okay naman kasi everyone of us deserves a second chance naman.

“Siguro, sana, hopefully, maging maayos na talaga ang relationship nila, and happy ako for them.

“Nakita ko naman talaga ever since kay JM, na hindi naman talaga nawala ang napi-feel niya for Jessy.”

Medyo nalulungkot nga raw si Charee na hindi pa ulit sila nagkikita ng kanyang dating ka-partner, na minsan ding na-link sa kanya.

“Kami ni JM, hindi pa kami nagkakausap, pero nagkita 'ata kami ng huli last year, sa reunion yun.

“Si Jessy naman, nakaka-text ko, pero 'di namin napag-uusapan, e.

“Iba kasi ang napag-uusapan namin.


“Pero nakikita ko naman sa pictures na masayang-masaya sila, e.

“Kaya happy din ako for them, sobra!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Charee sa taping ng Wagas ng GMA News TV, sa Riverbanks, Marikina City, noong Sabado, May 9.

Ginagawa nila ang episode tungkol sa buhay ng namayapang lead vocalist ng bandang Alamid na si Gary Ignacio.

Ginagampanan ni Charee ang papel ng maybahay nito, habang si Dion Ignacio naman ang gumaganap sa papel ni Gary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECOND CHANCE. Paano ipinararating ni Charee kina JM at Jessy ang kanyang kasiyahan sa pagbabalikan nila?

“Ano… nakikita ang pictures nila sa Instagram, minsan nagku-comment ako.

“Natutuwa din ako na halata namang happy sila together.

"At sa tingin ko, mas happy pa nga sila ngayon kaysa dati.

“Siguro, dahil pareho na silang nag-mature, mas alam na nila ngayon kung gaano nila kamahal ang isa't isa, ganun.”

Bukod pa rito, nakabawi na rin si JM sa kanyang showbiz career, matapos itong maligaw ng landas.

Naging hit ang comeback movie niya, with Angelica Panganiban, na That Thing Called Tadhana.

Ayon sa Kapuso actress, “Sobrang happy ako sa kanya, kasi nakita ko nga yung welcome sa kanya ng mga tao. Lalo na nga ng ABS-CBN.

“Kaya kung ako kay JM, talagang mas huhusayan ko, kasi alam kong natatakot siya, e.

“Pero mukhang ang saya-saya naman niya.

“At saka, mas lalo siyang gumuwapo, mas guwapo siya ngayon."

THE RICH MAN’S DAUGHTER. Sa parte naman ni Charee, hindi rin maalis ang sobrang kaligayahan niya dahil bahagi siya ng bagong primetime series ng GMA na The Rich Man's Daughter.

Gagampanan niya rito ang papel bilang kabit ni TJ Trinidad.

Kuwento ni Charee tungkol sa kanyang role, “Galing ako sa isang Filipino family, tapos si TJ mula naman sa isang Chinese family.

“So, medyo traditional ang family niya, kaya 'di sila in favor sa relasyon naming dalawa.

“So, ipinakasal siya sa iba, pero ako, dahil sobrang mahal na mahal ko siya, eventually, papayag ako na maging mistress niya.”

Dagdag pa niya, “Happy rin talaga ako for this project, kasi kakaiba ang tema niya na para sa LGBT community, para sa mga T-birds naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN