Lani Mercado on son Jolo Revilla shooting probe: No need for police intervention

Cavite Representative Lani Mercado on obstruction raps filed against security guards and doctors involved in her son Vice Governor Jolo Revilla’s shooting incident: "Considering that there was no third party involved and that no crime was actually committed, my family considers this as a matter that does not require police intervention."


Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa insidenteng kinasangkutan ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla, dahil wala pa ring resulta kung attempted suicide o aksidente ang nangyaring pagkakabaril nito sa sarili noong February 28, 2015.

Ayon sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, May 12, sinampahan ni Muntinlupa police chief Allan Nobleza sa Civil Security Group ang sangkot na apat na security guards ng reklamong obstruction of justice at disobedience to an order of a police officer, alinsunod sa Regulation of R.A. 5487 o Private Security Agency Law.

Ito ay sa kadahilanang sinuway raw ng mga ito ang mandato na kaagad na i-report sa awtoridad ang insidenteng kinasangkutan ni Jolo.

Kabilang dito ang tatlong security guards ng Asian Hospital and Medical Center (AHMC) na sina Julis Baniago, Dondon Roslinda, at Frobel Aloro; pati na rin ang security coordinator ng Ayala Alabang Village Security Department na si Jose Torrendon.

Kasabay nito ay nahaharap din sa reklamong paglabag sa Executive Order 212 ng Professional Regulation Commission ang tatlong doktor ng AHMC na sina Dr. Edgar Mendiola, Dr. Rosita Bierneas, at Dr. Eden Lasala.

Ito ay sa kadahilanang pinabulaanan nila diumano ang tungkol sa pagkaka-confine ni Jolo sa nabanggit ng ospital noong unang pumutok ang balita tungkol sa insidenteng kinasangkutan ng bise gobernador.

Saad pa ni Nobleza: "They refused to cooperate. They misled the investigators.



"Pagdating sa hospital, [the] security guards, they denied na nagkaroon ng admission si Vice Governor doon.

“Sa subdivision, ayaw nilang sabihin kung anong nangyari sa subdivision.

“They concealed the facts.”

Bukod dito, hinintay pa umano ng PNP ang rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) kung mayroong nilabag na batas si Jolo kaugnay ng license issues ng pag-aari nitong baril.


LANI: NO NEED FOR POLICE INTERVENTION. Kaugnay nito, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Cavite Representative Lani Mercado tungkol sa reklamong kinahaharap ng mga doktor at security guards na dawit sa imbestigasyon sa kinasangkutang insidente ng anak niyang si Jolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanindigan si Lani na pribadong isyu ang kinasangkutan ng kanyang anak at walang nangyaring krimen, kaya hindi nila kinailangan ng “police intervention” noong panahong iyon.

Pahayag ni Lani, sa pamamagitan ng palitan ng Facebook messages ngayong araw, May 12: "My family is thankful to those who had assisted us in safeguarding our privacy during our time of need.

“Considering that there was no third party involved and that no crime was actually committed, my family considers this as a matter that does not require police intervention.”


SELF-INFLICTED OR BY ACCIDENT? Matatandaang inihayag ng spokesperson ng pamilya Revilla na si Atty. Raymund Fortun na aksidenteng nabaril ni Jolo ang sarili habang naglilinis ng pag-aari nitong baril sa bahay ng pamilya Revilla sa Ayala Alabang Village.

Kasabay nito ay nagkaroon ng espekulasyong attempted suicide ang dahilan ng pagkakabaril ni Jolo sa sarili habang naglilinis ng baril.

Mismong si Lolit Solis, talent manager ni Jolo at ng ama nitong si Senator Bong Revilla, ang nagsabing “upset, depressed, at mahina ang emosyon” ng bise gobernador.

Kaugnay umano ito ng pagsubok na kinahaharap ng pamilya Revilla, partikular na ang pagkakasangkot ni Senator Revilla sa kasong plunder.

Diumano’y nakadagdag pa rito ang problema sa pagitan ni Jolo at ng kanyang nobyang si Jodi Sta. Maria bago naganap ang naturang insidente.

Ngunit ilang araw pagkatapos maospital ni Jolo ay nilinaw ni Lani na nananatiling matibay ang relasyon ng anak at ng girlfriend nito na si Jodi.

Read: Lani Mercado on Jolo Revilla's condition: "He's improving."

Bilang patunay, ibinahagi ni Lani ang larawan ng magkasintahan bago sumailalim ni Jolo sa isang operasyon noong March 7.

Look: Jodi Sta. Maria beside Jolo Revilla before his operation

Noong bumuti na ang kundisyon ni Jolo, siya na mismo ang nagbigay-linaw na walang katotohanang self-inflicted ang nangyaring insidente.

Pinabulaanan din niya ang isyung nalagay sa alanganin ang relasyon nila ng girlfriend na si Jodi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Jolo Revilla denies suicide attempt, problem with girlfriend Jodi Sta. Maria


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN