Jolo Revilla denies suicide attempt, problem with girlfriend Jodi Sta. Maria

Bumalik na sa kanyang tungkulin bilang vice governor ng Cavite si Jolo Revilla ngayong Lunes, March 30, pagkatapos ng 28 araw na pamamahinga mula nang aksidenteng mabaril niya ang sarili.


Bumalik na sa trabaho si Jolo Revilla ngayong Lunes ng umaga, March 30, bilang vice governor ng Cavite pagkatapos niyang magpahinga ng 28 days.

Matatandaang naospital at inoperahan si Jolo matapos umanong aksidenteng mabaril nito ang sarili noong February 28.

Read: Jolo Revilla rushed to the hospital for gunshot wound

Ayon sa ina ni Jolo na si Bacoor Representative Lani Mercado, dapat ay dalawang buwan ang gusto ng doktor na magpagaling ang anak.

Pero naiinip na raw si Jolo at gustung-gusto na niyang bumalik sa trabaho, lalo na ngayong siya ang acting governor dahil out of the country si Cavite Governor Jonvic Remulla.

Kaninang umaga ay nagbigay ng maikling pahayag si Jolo sa mga taga-Cavite sa kanilang flag ceremony sa Kapitolyo ng Cavite sa Trece Martirez.

Dito na rin pinabulaanan ng 27-year-old actor-politician ang kumalat na anggulong suicide attempt ang nangyaring pagkabaril sa sarili.

Bahagi ng kanyang statement: “Tigilan na sana ang anumang agam-agam na lumalabas at pilit na pinalulutang sa publiko.

“It was a pure and simple accident. Hindi biro ang nangyari.

“The bullet almost pierced my heart. It was half-inch away from a vein that flows blood to my heart.

“I almost died. Thank God, I survived.”

Inamin ni Jolo na may pinagdaanan ang kanilang pamilya at sobra ang pamumulitika na ginawa sa kanila, pero nananatili raw silang matatag at buo.

JODI STA. MARIA. Pinabulaanan din ni Jolo ang isyung may problema raw sila ng kasintahang si Jodi Sta. Maria, at ito raw ang dahilan ng pagbaril niya sa sarili.

Sabi niya sa kanyang statement, “Bakit ko naman gagawin yun, e, may Maya naman ako?

“I am very grateful for having Jodi.

"She is always by my side in spite of the ordeal my family is facing.

“Si Jodi, kahit anong busy niya, talagang nag-e-effort.

“Isipin mo, from Zambales, she went straight to the hospital just to stay with me on that time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa ni Jolo, “Wala talaga kaming problema ni Jodi.

“Kumbaga, araw-araw siyang nasa hospital.

“Ikalawa, kahit na may trabaho siya, talagang pinipilit niyang magpunta.”

JOLO'S PARENTS. Isa-isang pinasalamatan ni Jolo ang lahat ng tumulong, nagdasal, at dumalaw sa kanya nung nasa hospital siya.

“Nagpapasalamat ako sa lahat na hindi napapagod tumulong at patuloy na naniniwala, nagtitiwala, at nagmamahal sa akin at sa pamilya Revilla.

"Maraming-maraming salamat."

Paulit-ulit ding nagpasalamat si Jolo sa kanyang ina na sobrang napabilib daw siya sa katatagan nito.

Malaking trauma raw ang nangyari sa kanya, kaya hindi pa niya nagawang matulog na mag-isa sa kuwarto niya.

Sabi ng 27-year-old actor-politician, “Actually, nag-uusap kami ni Mama, sabi ko, .Ma, parang hindi ko pa kaya matulog sa kuwarto ko.'

"Kasi yung trauma nga.

“Hindi maaalis yung trauma, e, kaya minsan dun ako sa kanya natutulog.

“Talagang bow down ako sa strength ng mama ko.

“I love you very much, Ma. Hindi mapapalitan ng kahit na ano yun.”

Hindi naman daw mapigilang maging emotional ni Jolo nang nakita niyang dumating sa hospital ang ama niyang si Senator Bong Revilla.

Read: Cavite Vice Governor Jolo Revilla apologizes to dad Senator Bong Revilla

Saad niya, “Bilang anak, iyon lang ang mahihiling ko na sana makita ko yung tatay ko.

“Dahil hindi ko alam yung point na yun, nung nasa ICU ako, hindi ko alam kung mabubuhay ba ako, mamamatay ba ako o stable na ba ako.”

Kaya malaki rin ang pasasalamat ni Lani dahil pagkatapos daw dumalaw ni Senator Bong, tuluy-tuloy na ang paggaling ni Jolo.

Samantala, kahit nakakaramdam pa siya ng sakit sa sugat nito sa dibdib, gusto nang mag-focus ni Jolo sa trabaho.

Wala pa raw siyang alam kung itutuloy pa ng Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon sa nangyari sa kanya.

“Sa akin naman, I will cooperate, e. Kung kailangan, okay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ll just leave it to my lawyer. I’ll just leave it to Atty. [Raymond] Fortun, may tiwala naman ako sa kanya.

“Naniniwala naman ako sa PNP na ginagawa naman nila ang trabaho nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN