Maja Salvador on breakup with Gerald Anderson: "Hindi ko alam kung ano talaga yung rason niya."

Maja Salvador on breakup with Gerald Anderson: "Dun sa two years na yun, may love, e. So, yun ang papahalagahan ko. And after nun, kailangan mo lang tanggapin na yung journey niyo dun sa love na yun is nag-end na.”


Nilinaw ni Maja Salvador na hangga't maaari ay iwas siyang pag-usapan ang tungkol sa hiwalayan nila ni Gerald Anderson.

Pinahahalagahan daw kasi niya ang dalawang taong itinagal ng kanilang relasyon.

Ngunit base sa kanyang pahayag, lumalabas na tila si Gerald ang nag-initiate ng kanilang breakup.

Ito ay matapos pabulaanan ni Maja ang isyung pinagselosan ni Gerald ang pagiging malapit ng actress-singer kay Paulo Avelino.

Magkatambal sina Maja at Paulo sa primetime teleserye ng ABS-CBN na Bridges of Love.

Sabi ni Maja: “Ay, hindi po! Wala pong kinalaman sa [teamup with Paulo].

“Ayoko lang po talaga magdetalyado.

“Tulad ng sinabi ko, ayoko na idetalye.

"Pero hindi ko alam kung ano man talaga yung rason niya, kung ano man pinagdadaanan niya.

“Ipagdasal na lang natin na sana maging maayos kung ano'ng kailangan niya ayusin.”

Tinanong din si Maja kung hindi ba unfair sa parte niya na kailangan nilang maghiwalay dahil may kailangang ayusin si Gerald sa kanyang sarili.

Maiksing sagot ng Kapamilya actress-singer: “Ganun ang buhay. Kailangan tanggapin.”

Itinanggi rin ni Maja na may kinalaman si Janice de Belen sa hiwalayan nila ni Gerald.

“Nasagot ko na ‘yan. I love her. Let’s respect her. Mommy ko yun,” giit niya.

Read: Maja Salvador defends Janice De Belen

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Maja sa launching ng kanyang second album na Maja In Love, na ginanap sa Magnolia Residences Tower, Quezon City, Huwebes ng tanghali, May 14.


ACCEPTANCE STAGE. Marami ang nagtataka kung bakit tila mabilis nakapag-move on si Maja mula sa pinagdaanang pagsubok sa kanyang lovelife.

Bukod sa burado na ang lahat ng larawan nila ni Gerald sa Instagram account ni Maja, hindi rin nagpo-post ang actress-singer ng anumang may kinalaman sa breakup nila.

Paliwanag ni Maja, “Siyempre pinapahalagahan ko naman yung two years na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun sa two years na yun, may love, e. So, yun ang papahalagahan ko.

“And after nun, kailangan mo lang tanggapin na yung journey niyo dun sa love na yun is nag-end na.”

Ayon pa kay Maja, ang importante ay nalampasan niya ang pagsubok sa personal niyang buhay, at hindi niya hinayaang makaapekto ito sa kanyang trabaho.

Noong kasagsagan ng hiwalayan nila ni Gerald, nagkataon kasing sabay-sabay ang ginagawang proyekto ni Maja.

Kabilang na rito ang Bridges of Love, pelikulang You’re Still The One, at second album na Maja In Love.

Dugtong niya, “At least, nakikita niyo naman na okay ako, siya okay din siya, so okay na yun.”

Wala na ba siyang nararamdamang sakit?

Sagot ni Maja, “Wala na.

“Ngayon masaya, magaan, nakakapagtrabaho ako nang maayos na maayos.

“Dun ako naka-focus talaga. Ang daming dumadating na mas magagandang bagay.

“Kung ano man yung nag-end, tapos na yun. Huwag na natin balikan pa.

"Huwag nang paulit-ulit na tanungin tungkol dun. Tapos na yun."


NOT ON SPEAKING TERMS? Samantala, ayaw sagutin ni Maja kung nanatili silang magkaibigan ni Gerald pagkatapos ng kanilang breakup.

“I love you!” natatawang turan ni Maja bilang pag-iwas sa naturang usapan.

Ganunpaman, nilinaw ng aktres na hindi totoong iniwasan niya si Gerald sa ginanap na Star Magic Games noong May 3.

Sadyang maaga lang daw talaga siyang umuwi dahil wala siyang sinalihang laro sa naturang sports fest.

“No, wala akong dapat iwasan.

"Talagang M-W-F kasi it’s for Bridges of Love; T-Th-S for You’re Still The One movie.

“Dapat hindi ako mag-a-attend ng sports fest kasi Sunday, rest day ko na yun, parang tulog na.

“Pero siyempre, Star Magic sports fest yun, so dapat nandun din naman ako.

“At ni-request ng Sun Life na mag-muse ako sa kanila.

“After nung ceremony, umuwi na po ako kasi hanggang dun lang naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka wala akong sports, ayaw ng volleyball sa akin!” paliwanag ni Maja.

Kakausapin ba niya si Gerald kung sakaling magkita ulit sila?

Sagot ni Maja, “Wala lang sigurong chance nung sports fest, pero kasi nakikita ko naman siya dumadaan.

“Sabi ko nga, wala naman akong dapat iwasan kasi okay naman ako.”

Sa huli, nagbigay ng maiksing pahayag si Maja nang tanungin kung siya ang tipo ng babaeng hindi naghahabol at hindi na binabalikan ang isang dating karelasyon.

"Kung para sa 'yo, para sa 'yo talaga. Naniniwala ako sa ganun.

"Ang ibang bagay, huwag mo nang ipilit.

"Kung anong magandang dumadating, yun lang ang i-welcome mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN