Gabby Lopez on Willie Revillame’s new show Wowowin: “Willie is still Willie. We expect that it will rate.”

Gabby Lopez confirms previous talks for Willie Revillame to return to ABS-CBN, but that it didn’t prosper. "I have a very good relationship with Willie, still. Our world is too small to say never," says the head honcho of ABS-CBN.


Inamin ni ABS-CBN CEO Eugenio “Gabby” Lopez III na minsan nang lumapit sa kanya si Willie Revillame upang pag-usapan ang posibilidad na pagbabalik-Kapamilya ng TV host.

Kasunod ito ng pagtatapos sa ere ng variety show ni Willie na Willing Willie sa TV5 noong October 2013.

Ngunit hindi na nagdetalye pa ang big boss ng ABS-CBN kung bakit hindi nagbunga ang kanilang negosasyon.

Ganunpaman, nananatiling positibo umano ang relasyon sa pagitan ng TV host at ng ABS-CBN CEO.

Ito ay sa kabila ng kontrobersiya kung saan sinampahan ng ABS-CBN ng hiwalay na kasong breach of contract at copyright infringement si Willie nang lumipat ang TV host sa TV5 noong 2010.

Ngunit kalaunan ay binasura ng Court of Appeals ang copyright infringement case noong 2011 at ang breach of contract case noong 2013.

Read: Court of Appeals releases resolution of ABS-CBN's copyright case against Willing Willie and TV5

Read: Court of Appeals junks ABS-CBN plea against Willie Revillame

“I have a very good relationship with Willie, still.

“Our world is too small to say never,” pahayag ni Gabby sa ulat ng Philippine Daily Inquirer (PDI) noong April 27.

Samantala, March 20 nang pormal na pumirma ng kontrata si Willie sa GMA Network kaugnay ng pagbili niya ng airtime para sa kanyang variety show na Wowowin.

Bago pa man magsimulang umere ang Wowowin, inamin ni Gabby sa parehong panayam ng PDI na hindi pa rin nawawala ang karisma ni Willie sa mga manonood.

Matatandaang nakilala nang husto si Willie sa programang Wowowee na umere sa ABS-CBN mula 2005 hanggang 2010.

Sabi pa ni Gabby: “Willie is still Willie. We expect that it will rate.”

Umere ang pilot episode ng Wowowin sa GMA noong Linggo, May 10.

Nagkamit ito ng 22.1% TV rating, habang ang katapat nitong palabas sa ABS-CBN na She’s Dating The Gangster ay nakakuha lamang ng 11.7%, base sa survey ng AGB Nielsen Philippines sa Mega Manila households.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: AGB Nielsen Mega Manila Household Ratings (May 7-10, 2015): Wowowin pilot episode lands on No. 1 slot; Second Chances finale defeats Bridges of Love


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN