Maja Salvador not afraid to love again despite another failed relationship

Maja Salvador is singing and writing songs, "Para iba naman ang maikukuwento ko... Kahit ’di ka naman diva or hindi ka biritera, okey ako na may nai-share akong music."


Pilit na iniuugnay ngayon kay Maja Salvador si Paulo Avelino matapos makumpirmang hiwalay na ang aktres at si Gerald Anderson.

Read: Maja Salvador on breakup with Gerald Anderson: "Hindi ko alam kung ano talaga yung rason niya."

Sina Paulo at Maja ay magkasama sa ABS-CBN primetime series na Bridges of Love.

Dahil sa maiinit nilang eksena sa nasabing teleserye, at pareho silang single ngayon, marami ang naghihinalang magkaka-debelopan sila sa isa't isa.

Pahayag ni Maja tungkol dito, "Watch kayo ng Bridges... actually, thank you.

"Yung sa TV, unexpected yung pagtanggap dun sa love story namin, dun sa pagtatambal namin ni Paulo.

"Sobrang saya lang na may bago akong kapareha na tanggap ng tao.

"Nakakatuwa, siguro dahil na rin sa magandang kuwento ng Bridges of Love."

Paano kung ma-develop ang feelings nila para sa isa't isa?

Natatawang sabi ng Kapamilya actress, "Pahinga muna tayo. Oo, buy muna siya ng album ko!"

Pero dagdag din ni Maja, "Dati naman, nagsama kami sa Status: It's Complicated.

"Ngayon, masasabi ko na kaibigan ko siya.

"Hindi naman yung... masarap maging kaibigan siya, trabaho lang po talaga yung kay Paulo.

"Kung nag-level up man yung sa amin ni Paulo, yun 'yong pagiging magkaibigan.

"Kasi, as an actor, sobrang dami ka ring makukuha sa kanya, na matututunan din sa kanya.

"Silang dalawa ni Jericho [Rosales] kasi… lagi kaming magkakaeksena lahat."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Maja sa presscon ng second album niyang Maja, In Love, mula sa Ivory Records, na ginanap sa Magnolia Residences Tower, Quezon City, kahapon, May 14.


TO LOVE AGAIN. Natatakot ba siyang umibig muli matapos magwakas ang dalawang taong relasyon nila ni Gerald?

Diretsahang sagot ng 26-year-old actress-recording artist, "Hindi, masarap ma-in love.

"Kaya nga in love, e," na ang ibig niyang sabihin ay ang titulo ng kanyang pangalawang album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ako, kung alam kong in love ako, sinasabi ko, hindi ko naman itinatago.

"Ipinapakita ko yun, pero hindi yung parang detalyado, kung anuman yun, ‘di ba?

"Kaya, thanks din, dahil na-appreciate niyo kung ano ang sagot na ibinibigay ko.

"Thank you sa pagrespeto niyo sa akin, sa amin, na kung anuman ang nasa likod ng breakup na yun ay sa amin na lang.

"At ang maganda nun, e, okey ako."


MAJA'S MUSIC. Sa presscon ay kinanta ni Maja ang "Bakit Ganito Ang Pag-Ibig?" na carrier single ng kanyang album.

May pinaghuhugutan ba siyang emosyon dito? Dedicated ba ito sa kanyang ex-boyfriend?

Saad niya, "Basta masaya ako na may naisi-share ako na kanta o music.

“Sa buhay, kailangan natin ng tugtog para may masabayan tayo sa buhay natin.

“Sabi ko nga, 'As long as you're happy, just clap your hands.'

"Ang kantang 'yan, November pa 'yan nagawa at kung pakikinggan, nakabase siya sa Bridges of Love.

“Kung pakikinggan niyo, kanta yun ni Mia, ang karakter ko sa Bridges.

“Kaya nga ang title ko ay 'In Love' dahil na-in love talaga ako sa paggawa ng music, sa paggawa ng ganito, sa pagsulat.

"Nagsulat din po ako na parang ibang Maja ang nandito sa music industry, para iba naman ang maikukuwento ko, ganun po."

Tuluy-tuloy raw ang ginagawang paraan ni Maja para mag-improve siya bilang recording artist at songwriter.

"Oo naman, katulad nga ng sinabi ko, hindi naman talaga ako singer, nakakakanta lang.

"Hindi naman ako singer na singer, pero tiwala naman ako na kahit paano'y may boses naman ako.

“Kahit 'di ka naman diva kung kumanta, or hindi ka biritera, okey ako na may nai-share akong music."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN