(UPDATED) John Prats and Isabel Oli tie the knot in Batangas

Bandang alas-dose ng tanghali ngayong araw, May 16, ikinasal na sina Isabel Oli at John Prats sa isang simbahan sa Batangas. Sinundan ito ng isa pang kasalan na Christian wedding naman sa nabanggit ding probinsiya. February 2013 naging magkasintahan ang dalawa at September 24 naman nag-propose ng kasal si John kay Isabel sa pamamagitan ng isang flash mob sa Eastwood City.


Ikinasal na sina John Prats, 31, at Isabel Oli, 33, ngayong araw, May 16, sa Our Lady of Peace and Good Voyage Parish Church, Balete, Batangas.

Now happening... #dynamitewedding #johnandliv #livandjohn #catholicceremony

A photo posted by van mendez (@lovelife_van) onMay 15, 2015 at 8:35pm PDT

Winter ang tema ng disenyo ng simbahan.

Bago mag-alas-dose ng tanghali nang magpalitan ng “I Do’s” sina Isabel at John na pormal na naging magkasintahan noong February 2013.

& they are one. ❤️ #dynamitewedding *iphonepic for now

A photo posted by Niceprintphoto (@niceprintphoto) onMay 15, 2015 at 8:52pm PDT

Ang wedding gown ni Isabel ay gawa ng sikat na American fashion designer na si Vera Wang.

Samantala, ang suot ni John ay likha naman ng Filipino designer na si Bang Pineda.

😭😭😭 #DynamiteWedding #JohnLivWedding #ChurchWedding

A photo posted by Rocky Sambrano (@raquisam) onMay 15, 2015 at 8:26pm PDT

Ang nag-make-up kay Isabel ay si Denise Ochoa, ang matagal na nitong makeup artist at kaibigan.

First met Liv during her first ever TV Commercial where I did her makeup a really long time ago. She used to do commercials before she was an actress, and eventually some of her endorsements when she was already in showbiz... Now, I'm again doing her makeup because she's finally getting married, to someone who I have also known for a really long time, maybe 10 or 12 years... They're truly a match made in heaven😍 And I couldn't be happier for the BOTH of them. Best wishes to you Mr. And Mrs. Prats!!! #makeupbydeniseochoa #makeupbydenisego hair by @kenjieapostadero @missisabeloli @iamjohnprats #dynamitewedding

A photo posted by �""�""�"��"��"��"" �"��"� �"��"��"��"��"� (@deniseochoa) onMay 15, 2015 at 9:04pm PDT

Matagal nang magkakilala sina John at Isabel pero nito lamang daw siya nanligaw sa actress na tubong-Cebu. Nagkasama ang dalawa sa pelikulang It Might Be You noong taong 2004.

September 24, nag-propose si John kay Isabel via a flash mob sa Eastwood City.

Read: John Prats organizes a flash mob to propose to girlfriend Isabel Oli

Ang official hashtag ng kanilang kasal ay #DynamiteWedding.

THE ENTOURAGE. Ilan sa showbiz friends ng mag-asawa ang naging bahagi ng kanilang entourage. Si Sam Milby ang Best Man at si Angelica Panganiban naman ang Best Woman.

Best Man and Best Woman #dynamitewedding

A photo posted by TANtastic5 😍😍😍 (@sherilynrtan) onMay 15, 2015 at 8:10pm PDT

Kabilang naman sa mga matron at maids of honor sina Sherilyn Reyes-Tan, Chynna Ortaleza at ang sister ni John na si Camille Prats.

Matron and maids of honor #dynamitewedding

A photo posted by TANtastic5 😍😍😍 (@sherilynrtan) onMay 15, 2015 at 8:09pm PDT

Gagawin ang reception sa family farm ng mga Prats sa Batangas.

Sa naunang panayam kay John nitong January, sinabi niyang sa ibang bansa nila gaganapin ang kanilang honeymoon.

UPDATE. Kasalukuyang ginaganap naman ang Christian wedding nina John at Isabel sa Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas din.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN