Jennylyn Mercado and Dennis Trillo, Angel Locsin and Luis Manzano spotted on a date at UFC Fight Night

Kilig couples Dennis Trillo and Jennylyn Mercado as well as Luis Manzano and Angel Locsin were seen watching the UFC Fight Night held at SM MOA Arena last Saturday night, May 16.


Patuloy ang panunumbalik ng magandang pagtitinginan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Namataan ang rumored couple na nanood ng UFC Fight Night na ginanap sa Mall of Asia Arena, Sabado ng gabi, May 16.

Base ito sa larawan nina Jennylyn at Dennis na nailathala sa SPIN.ph.

Tila hudyat ito na unti-unti nang nagiging bukas ang dalawa tungkol sa kanilang "going out" relationship status.

Kaugnay nito, parehong nag-post sina Jennylyn at Dennis ng kuha ng mixed martial arts arena sa kani-kanilang Instagram accounts.

Bagamat hindi sila nagbahagi ng kanilang larawan na kuha roon, bumuhos ang mensahe ng fans na ikinatuwang malaman na patuloy ang pagkikita ng dating magkasintahan.

Una nang naibalita ang tungkol sa pagbabakasyon nina Jennylyn at Dennis sa Balesin Island noong nakaraang Holy Week break.

Kasunod nito ay inamin ni Dennis sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na “lumalabas” sila ni Jennylyn.

Ayon pa kay Dennis, kinalimutan na nila ni Jennylyn ang kanilang hindi magandang paghihiwalay noon.

“Okay kami ngayon. Lumalabas kami. Magkaibigan kami,” sabi ng Kapuso actor.

Read: Dennis Trillo admits rekindled friendship with Jennylyn Mercado

THE JENNYLYN-DENNIS-LUIS-ANGEL CONNECTION. Incidentally, namataan din ng SPIN.ph ang magkasintahang Luis Manzano at Angel Locsin sa UFC Fight Night.

Si Luis ay dating kasintahan ni Jennylyn.

Matatandaang nagkamabutihan ang dalawa dahil pareho sila ng dinadaluhang mixed martial arts classes.

Ngunit sa 'di malamang kadahilanan, nauwi sa hiwalayan ang kanilang dalawang taong relasyon bandang October 2013.

Pagkalipas ng ilang buwan ay naiulat naman ang tungkol sa pagbabalikan nina Luis at Angel.

Si Angel ang isa sa mga itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Jennylyn at Luis, ngunit mariin itong pinabulaanan ng TV host/actor.

Read: Luis Manzano reiterates Angel Locsin not the reason of his breakup with Jennylyn Mercado

Sa kabilang banda, maging si Dennis ay napabalitang third party sa hiwalayang Jennylyn at Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit nilinaw ni Dennis na wala siyang kinalaman sa kung anumang dahilan ng breakup nina Jennylyn at Luis noong panahong iyon.

Read: Dennis Trillo out of the picture in Cristine-Derek, Jennylyn-Luis breakups


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN