Maja Salvador feels good being on good terms with Kim Chiu and Sarah Geronimo

Maja Salvador, Kim Chiu, and Sarah Geronimo as seen on ASAP, sharing the stage and making beautiful music together. All three at different times were once romantically linked to fellow Kapamilya star Gerald Anderson.


"Let’s believe.”

Ito ang pahayag ni Maja Salvador nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung tuluy-tuloy na ang panunumbalik ng pagkakaibigan nila ni Kim Chiu.

Dugtong pa niya, “Mag-believe lang tayo. Ayoko kasing pangunahan din."

Matatandaang naging kontrobersiyal ang hidwaan sa pagitan ng dalawang Kapamilya actress, dahil sa pakikipagrelasyon ni Maja sa ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson pagpasok ng taong 2013.

Bandang April 2014 nang sa wakas ay magkaayos sina Kim at Maja pagkatapos ng mahigit isang taong hindi pag-uusap sa likod ng kamera.

Read: Maja Salvador and Kim Chiu finally settle their issue

Kalaunan ay naging kapansin-pansin na mas kumportable na sila sa isa’t isa, lalo na nang magkasama ang dalawang aktres sa motorcade ng ASAP 20 sa ginanap na Sinulog Festival sa Cebu noong January 2015.

Nasundan pa ang pagkikita nina Kim at Maja sa reunion dinner ng cast at staff ng pinagbidahan nilang teleserye sa ABS-CBN noong 2013, ang Ina, Kapatid, Anak.

#IKAReunion 😊🍷

A photo posted by Kim chiu (@chinitaprincess) onMar 1, 2015 at 7:08am PST


IN TUNE WITH KIM. Nakapanayam ng PEP at ilang entertainment reporters si Maja sa press launch ng kanyang album na Maja In Love na ginanap sa Robinsons Magnolia Residences noong May 14.

Dito ay tinanong ng isang entertainment editor kung handa ba si Maja sa posibleng kumpetisyon sa pagitan nila ni Kim, dahil pareho silang nag-launch ng bagong album ngayong taon.

Sa punto ito, nilinaw ni Maja na pareho sila ni Kim na masayang makitang pareho nilang nabibigyang-pansin ang kanilang interes sa pagkanta.

Pahayag ni Maja ukol dito: "Hindi mo maiiwasan yun [competition].

“Pero ako, sobrang nung nagkita pa nga kami ni Kim, kinanta ko pa sa kanya yung kanta niya, e.

“Ako yung isa sa mga sumusuporta sa kanya.

“Unang-una, siya naman yung nagkaroon ng unang album.

"Ang tagal na nung 'Crazy Love' [from Kim's debut album Gwa Ai Di in 2007], so yun.

“Siyempre, kaibigan ko rin naman siya, so suportahan ko rin siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung saka-sakali, bukas umano si Maja sa posibilidad na muli silang magkatrabaho sa isang acting project ni Kim.

Aniya, “Opo [willing ako makipag-work kay Kim]. Depende ‘yan sa kuwento.

"Sabi ko nga, wala naman ako kailangan iwasan."


SINGING FOR SARAH. Hindi rin maiwasang tanungin si Maja tungkol sa estado ng pagkakaibigan nila ni Sarah Geronimo ngayon.

Ayon kay Maja, suportado ng Popstar Princess ang desisyon niyang pasukin ang larangan ng pagkanta mula sa kanyang first album na Believe.

“Nung 'Dahan-Dahan Lang' [carrier single of Maja’s first album], kinakantahan din niya ako ng 'Dahan-Dahan.'

“Meron pa kaming isang [number] sa ASAP, kumakanta siya ng 'Dahan-Dahan Lang.'

"'Tapos ako 'Ikot-Ikot' [one of the hit songs from Sarah’s album Expressions], parang nag-mash-up.”

Matatandaang si Sarah ang huling niligawan ni Gerald ilang buwan bago nagkamabutihan ang aktor at si Maja.

Ngunit kung nagkaroon man ng samaan ng loob sa pagitan ng magkaibigang sina Maja at Sarah, nailathala ang tungkol sa pagkakaayos ng dalawa base sa isang video clip na kuha ng isang avid fan sa February 23, 2014 live episode ng ASAP.

WATCH: Sarah Geronimo and Maja Salvador hug behind Kim Chiu

Sa kasalukuyan, hiwalay na sina Gerald at Maja sa ‘di malamang kadahilanan.

Habang going strong pa rin ang relasyon nina Sarah at Matteo Guidicelli, na dating karelasyon ni Maja.


MAJA-KIM-SARAH MASH-UP. Sa kabila ng pagkakapareho sa dating history nina Maja, Sarah, at Kim, tila tuluyan na nilang nalampasan kung anumang ilangan mayroon sila noon.

Ito ay matapos magsabay silang tatlo sa paghu-host ng ASAP kahapon, May 17.

Dito ay makikitang nagtawanan at nagbiruan pa sila habang nagpro-promote sina Maja at Kim ng mall shows para sa kani-kanilang record album.

Hirit ni Maja: "Ang tindi natin mag-promote. E, yung totoong singer talaga... Mahiya naman tayo."

Natatawang sagot naman ni Sarah: "Okay 'yang ginagawa n'yo girls, very inspiring."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ni Kim bilang pagbibigay-pugay sa talento ni Sarah sa pagkanta: "Hinahangaan ka namin.”

WATCH: Sarah Geronimo, Kim Chiu, Maja Salvador together on ASAP!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN