Marian Rivera on prioritizing her pregnancy over The Rich Man’s Daughter: "Kapag may nangyari sa anak ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

Marian Rivera on adjustments during her pregnancy: “Sabi ko nga, ang soap madali ‘yan, e. Kahit next year, kaya kong gawin. Pero ‘pag may nangyari sa anak ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. So, mas pipiliin ko na safe siya."


Inihayag ni Marian Rivera na maluwag sa loob niyang isantabi muna ang kanyang showbiz career at unahin ang pagbuo ng pamilya nila ng asawa niyang si Dingdong Dantes.

Kaugnay ito ng desisyon ng Kapuso Primetime Queen na umatras sa paggawa ng teleseryeng The Rich Man’s Daughter, na pinagbibidahan ngayon ni Rhian Ramos.

Pahayag ni Marian, “Sabi ko nga, ang showbiz nasa parte ng buhay ko ‘yan. Minahal ko 'yan.

“Marami akong nakilala, marami akong natutunan, diyan ko nakilala ang naging asawa ko.

“Pero at the end of the day, ang importante sa akin, nagkaroon ako ng isang pamilya at bubuuin ko pa siya.

“Gusto ko marami talagang anak. So, yun ang pangarap ko.”

Nakapanayam ng entertainment media si Marian sa press conference para sa The PEP List, ang award-giving body ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na ginanap sa Luxent Hotel, Huwebes ng tanghali, May 21.

Dito ay ibinahagi ni Marian na prayoridad niya ang pagbubuntis kaya kailangan niyang magbawas ng trabaho at iwasan muna ang pagpupuyat tulad ng nakagawian niya kapag gumagawa ng teleserye.

Paliwanag ng 30-year-old actress, “Maraming adjustment kasi marami kang kailangan i-sacrifice, e.

“Like for example, may soap opera ako, ginive up ko yun, kasi mas mahalaga sa akin na maging healthy yung anak ko.

“Hindi ako mapuyat, hindi ako ma-stress.

“Sabi ko nga, ang soap madali ‘yan, e. Kahit next year, kaya kong gawin.

“Pero ‘pag may nangyari sa anak ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

“So, mas pipiliin ko na safe siya.”

Matatandaang noong unang inanunsiyo ni Marian ang tungkol sa kanyang pagdadalantao, siniguro niya na tuloy pa rin siya sa taping ng The Rich Man’s Daughter.

Read: Marian Rivera to continue working even while's she's pregnant: "In fairness sa GMA, compromise naman kami."

Ngunit sa huli ay naglabas ng pahayag ang GMA Network na mas makabubuti sa kundisyon ni Marian na huwag nang gawin ang naturang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Marian Rivera withdraws from The Rich Man's Daughter

Ganunpaman, kumpiyansa si Marian na suportado ng kanyang home network ang desisyon niyang huwag munang gumawa ng teleserye habang siya ay nagdadalantao.

“Tapos, sabi ko nga kanina, arte-arte na lang muna ako, pikto-pictorial.

“After nun, madali naman na, at naniniwala ako nandiyan ang GMA para suportahan ako sa mga ganyang bagay.”

Kuwento pa ni Marian, mas lalong ipinaramdam sa kanya ng mister niyang si Dingdong kung gaano siya kamahal nito ngayong inuna ng aktres ang pagbuo ng sarili nilang pamilya.

Saad niya, “Well, ang sabi niya ano... hmmm, nahiya naman ako, baka maiyak pa ako...

“Bibihira daw ang babae na gini-give up ang lahat para magkaroon ng pamilya.

“At nagpapasalamat siya sa Panginoon, natagpuan niya na yung babaeng yun.

"So, ayun lang."

Natutuwang dugtong pa ni Marian, “Sumisipa po ang anak ko. Nasiyahan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN