Rico J. Puno opens up about his triple bypass surgery

Rico J. Puno appears in front of the camera for the first time since his triple bypass surgery last April 26. Rico is seen here with partner Queenzle Natividad.


Nagagawa nang magbiro ng OPM legend na si Rico J. Puno halos isang buwan pagkatapos niyang sumailalim sa triple bypass surgery noong April 26.

“Ayos na ayos siya, ang heart ko, pure na pure, malinis.

“Sabi nga nila, additional 48 years again!” may halong birong sabi ni ng 62-year-old singer sa eksklusibong panayam sa kanya ni MJ Felipe para sa Bandila ng ABS-CBN, Huwebes ng gabi, May 21.

April 28 nang iulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagpapahinga si Rico matapos ang 7-hour open heart surgergy sa kanya sa Asian Hospital, sa Muntinlupa City.

Read: Rico J. Puno recuperating after 7-hour heart bypass surgery

Sa panayam ng Bandila, na unang pagkakataong pagharap ni Rico sa camera pagkatapos ng kanyang operasyon, ikinuwento nito kung bakit kinailangan siyang operahan.

“My heart is big, yung aorta—yung biggest veins—may aneurysm at may sugat na.”

Una raw nakaramdam ng sintomas ng sakit sa puso si Rico sa taping ng ABS-CBN sitcom na kinabibilangan niya, ang Home Sweetie Home, noong April 21.

Pagkalipas ng dalawang araw, sumakit umano ang kanyang likod, nanikip ang kanyang dibdib, at kinakapos ang kanyang hininga.

Pero sa kabila umano ng pinagdaanan ng singer-comedian, hindi raw siya nawalan ng pag-asa.

“Hindi ko nilagay sa isip ko na, ‘Wala, matsutsugi itong si Corics [palayaw kay Rico].

“Hundred percent believe that God will [heal me].”

Samantala, dalawang benefit concerts ang inorganisa ng mga kaibigan ni Rico para makalikom ng pondo para sa patuloy na gamutan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN