Marian Rivera begs off from FHM Sexiest 2015 poll: “Mahiya naman ako sa asawa ko. Buntis pa ako.”

“Parang kahit na sumali ako sa FHM, just in case na palarin ulit ako, may mga bumoto ulit sa akin, mag-number one ako for example, hindi ko kaya yung rumampa," says soon-to-be mom Marian Rivera at The PEP List presscon last Thursday, May 21.


Nilinaw ni Marian Rivera na hindi muna siya makakasali sa FHM 100 Sexiest Women poll dahil sa kanyang pagbubuntis.

Ito ay sa kabila ng kaalamang kabilang pa rin si Marian sa contenders sa isinasagawang online poll ng FHM ngayong taon.

Read: Marian Rivera not disqualified from FHM sexiest 2015 poll

Pahayag ni Marian ukol dito, “Actually, napag-usapan namin ‘yan ng FHM and ng management ko.

“Naka-receive rin ako ng letter sa management ko na huwag na, tama na.

“Parang kahit na sumali ako sa FHM, just in case na palarin ulit ako, may mga bumoto ulit sa akin, mag-number one ako for example, hindi ko kaya yung rumampa.

“Mahiya naman ako sa asawa ko.

“Buntis pa ako. So, huwag na muna.

“Siguro pass na muna ako itong FHM na ‘to.”

Nakapanayam si Marian sa presscon para sa The PEP List, ang award-giving body ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na ginanap sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City, noong Huwebes, May 21.

Si Marian ang kauna-unahang babae na nasungkit ang titulong FHM Sexiest Woman in the Philippines para sa taong 2008, 2013, at 2014.

Matatandaang pinangunahan ni Marian ang victory party ng FHM 100 Sexiest Women victory party noong July 2014.

Read: Marian Rivera makes history as FHM's first-ever three-time sexiest poll winner

Sa ngayon, inendorso ni Marian ang kanyang kapwa-artista na nasa pangangalaga ng Triple A (All Access to Artists) management na si Andrea Torres.

Sabi ni Marian, base sa suhestiyon ng isang entertainment reporter, “Ayun! Yun [Andrea] na lang iboto nila. Kapatid ko yun, e.

“Actually, nung nag-cover siya [sa FHM], nagustuhan ko yung cover niya.

“Sabi ko nga, yung ginawa niya, hindi ko kayang gawin. Ang lakas ng loob ng bata.

“At nakikita ko rin yung pagbabago niya, e. Sobrang sexy niya talaga ngayon.”

FHM SHOOT. Sa kabilang banda, nilinaw rin ni Marian ang insidente kung saan tila nagkaroon ng impresyon ang ilang staff ng FHM Magazine na “hindi friendly” ang Kapuso Primetime Queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos hindi raw kasi makausap si Marian na todo umano ang konsentrasyon habang isinasagawa ang kanyang pangalawang cover shoot sa FHM Magazine, na nailathala noong March 2014.

Paliwanag ni Marian hinggil dito: “Hindi, sobrang kabadung-kabado po ako.

"Kasi yung concept nitong last ko, medyo nadagdagan yung pagka-sexy yung pictorial ko compared sa dati kong nagawa.

“Parang sa sarili ko, sa bawat aksyon na gagawin ko, at sa bawat pagpo-pose ko, gusto ko maging presentable pa rin kahit sexy siya.

“So, naka-focus talaga ako dun.”

Inamin din ni Marian na siniguro niyang aprubado niya ang mga kuha sa kanya ng celebrity photographer na si Mark Nicdao para sa naturang isyu ng FHM.

Patuloy na paliwanag ni Marian, “Kasi mahirap pa rin na na-shoot mo na, tapos nagkamali ka, wala nang bawian yun, e.

“So, gusto ko sa bawat sinu-shoot namin, sa bawat picture namin, tinitingnan ko talaga kay Mark.

"‘Patingin. Ah, ok, alam ko na anong gagawin ko.’

“So, mas maganda siguro yung palaging sigurado ka, especially ‘pag may mga bagay na first time mo ginagawa.”

WATCH: Marian Rivera-"hindi friendly" during sexy photo shoot-explains


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN