Have Heart Evangelista’s parents reconciled with Senator Chiz Escudero?

An ecstatic Heart Evangelista revealed that her parents Reynaldo and Cecile Ongpauco visited her Quezon City home for the first time yesterday, May 24. The Kapuso actress later on revealed that her parents finally met her husband Senator Chiz Escudero.


Binisita si Heart Evangelista ng kanyang mga magulang na sina Reynaldo at Cecile Ongpauco sa mismong bahay ng Kapuso actress kahapon, May 24.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagpunta sa bahay ni Heart ang kanyang mga magulang mula nang siya ay maikasal kay Senator Chiz Escudero noong February 15, 2015.

Base sa kanyang Instagram posts kahapon, unang ibinahagi ni Heart ang larawan niya kasama ang mga magulang habang nasa tapat ng isang restaurant/pastry shop sa Makati City.

Kalakip nito ay isang simpleng caption na nagsasabing: “And then He blesses you even more.”

Kasunod nito ay ibinahagi ni Heart ang isang larawan kasama ang dalawang anak ni Senator Chiz na sina Joaquin at Maria Cecilia, na may palayaw na Quino at Chesy, respectively.

Sinundan ito ni Heart ng isa pang larawan ng kanyang ama na nakaupo sa living area ng bahay ng Kapuso actress sa Quezon City.

Sabi ni Heart sa kalakip na caption ng naturang larawan: “Daddy and mom visiting me at home and the rest of the day is just…perfect.”

Mismong mga malalapit na kaibigan ni Heart na sina Lovi Poe at Irene Pacana-Liwanag ay ikinatuwa na makitang kasama ng 30-year-old actress ang kanyang mga magulang.

Bilang bridesmaids ni Heart sa kasal nito kay Senator Chiz, nasaksihan nina Lovi at Irene kung gaano naging emosyunal ang 30-year-old actress nang hindi makadalo sina Mr. and Mrs. Ongpauco sa pinakaimportanteng araw sa buhay ng kanilang anak, sa Balesin Island Club, sa Quezon province, noong February 15.

Maging ang ninang sa kasal nina Heart at Senator Chiz na si Jackie Lou Blanco ay natuwa sa magandang balita ni Heart.

HEART'S PARENTS AND SENATOR CHIZ'S RECONCILIATION? Matatandaang sa kasal nina Heart at Senator Chiz ay nagpadala lamang ng sulat si Mr. Ongpauco, kung saan sinabi niya na bibisita lamang siya sa bahay ng anak kapag napatunayan niyang masaya si Heart sa piling ng kanyang mister na si Senator Chiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi man tuwirang binanggit ni Mr. Ongpauco sa kanyang liham, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na hindi pabor ang mga magulang ni Heart kay Senator Chiz, kahit noong nag-uumpisa pa lang ang relasyon ng dalawa.

Sabi ni Mr. Ongpauco: "This is my promise: when the day comes that I see both of you truly happy, when I see Chiz loving you the way you deserve to be loved, I will come knocking on your door."

Read: Heart Evangelista cries over father's letter on her wedding day

Noong May 6 ay nagkaroon ng pagkakataon si Heart na maka-bonding ang kanyang ina na si Cecile Ongpauco.

At malinaw na nagtuluy-tuloy ang magandang relasyon sa pagitan ng mag-ina.

Read: Heart Evangelista reconciles with mom Cecile Ongpauco; posts about their happy reunion

Lalo na ngayong bumisita ang mga magulang ni Heart sa bahay ng Kapuso actress.

Kaya tanong ng fans kay Heart: Nagkaayos na ba ang mga magulang niya at si Senator Chiz?

Noong una ay hindi diretsahang sinasagot ni Heart ang tanong ng kanyang Instagram followers kung nagkita ang kanyang mga magulang at ang senador sa bahay ng aktres kahapon.

Maliban sa mensahe ni Heart sa kanyang kaibigan na si Irene tungkol sa isang "good news" na hindi na idinetalye pa ng aktres.

SENATOR CHIZ MEETS HEART'S PARENTS. Base sa isa pang Instagram post ni Heart, ibinahagi ng aktres na kasama niyang nag-dinner ang mga magulang niya nitong Linggo ng gabi, May 24.

Sabi pa ng 30-year-old Kapuso actress: "The happiest dinner of my life.

"God is amazing... [This is] my answered prayer."

Bandang 11 P.M. nitong Linggo, kinumpirma ni Heart sa isa niyang Instagram follower na sa wakas ay nagkita na ang kanyang mga magulang at ang mister niyang si Senator Chiz.

Ayon kay Heart, "dream come true" para sa kanya na makapiling ang mga pinakamamahal niya sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon ding isa pang Instagram post si Heart kung saan nagpasalamat siya sa natanggap na "answered prayer" ngayong araw.

Aniya, "Love conquers all...a childlike faith and a hopeful heart is all you need...

"I believed. He heard my prayers and he saw my heart...

"This is the happiest day of my life.

"Delight in the Lord and He will give you the desires of your heart.

"Finally... 'buo' na ang puso ko.

"Thank you for moving that mountain."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN