Are Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero planning a second wedding?

Heart Evangelista hints at possible second wedding with Senator Chiz Escudero following his reconciliation with her parents coupled with their family dinner last Sunday night, May 24.


Nagpahiwatig si Heart Evangelista, 30, na posibleng ikasal sila sa ikalawang pagkakataon ni Senator Chiz Escudero, 45.

Ito ay matapos magkaayos ang senador at ang mga magulang ng Kapuso actress na sina Reynaldo at Cecile Ongpauco.

Magkakasama silang naghapunan sa mismong bahay ni Heart sa Quezon City nitong Linggo ng gabi, May 24.

Read: Have Heart Evangelista's parents reconciled with Senator Chiz Escudero?


Base sa Instagram post ni Heart ngayong Lunes, May 25, ibinahagi ng aktres ang isang wedding photo nila ni Senator Chiz na kuha sa Balesin Island Club sa Polilio, Quezon, noong February 15.

Kalakip nito ang isang makahulugang caption na nagsasabing: “All I can say is… I can’t wait.”

Tila kaugnay ito ng nabanggit na “good news” ni Heart sa palitan nila ng mensahe sa Instagram ng kanyang malapit na kaibigan na si Irene kahapon.

Base sa comments sa wedding photo nina Heart at Senator Chiz, sumagot si Irene at sinabing hindi na rin siya makapaghintay na matupad ang kung anumang tinutukoy ng Kapuso actress.

Bunsod nito, naging sentro ng espekulasyon kung ano ang tinutukoy ni Heart na “good news” at kung posibleng nagdadalantao ang Kapuso actress.

Agad namang pinabulaanan ni Heart na buntis siya at nilinaw na sa susunod na taon pa nila plano ni Senator Chiz na magkaroon ng anak.

Isa pang anggulo na pinag-uusapan ng fans ni Heart ay ang posibilidad na magsagawa ng “second wedding” ang aktres at mister nitong si Senator Chiz.

Ito ay upang magkaroon ng pagkakataong makadalo ang mga magulang ni Heart ngayong nagkaayos na ang mga ito at ang senador.

Komento ng fans ni Heart:

Tila sinang-ayunan naman ito ni Heart, base sa kanyang simple ngunit tila makahulugang "amen" emoticon bilang reply sa isa sa kanyang fans.

Kasunod nito ay ibinahagi ni Heart ang panibagong larawan kung saan kasama niyang nagtatanghalian ang inang si Cecile at nakatatandang kapatid na si Camille.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


AGAINST ALL ODDS NO MORE. Matatandaang nang ikasal si Heart noong Pebrero ay umasa ang aktres hanggang sa huling sandali na makakarating ang mga magulang niya sa pinakaimportanteng araw ng kanyang buhay.

Mismong ang writer na ito ay nasaksihan kung gaano naging emosyunal si Heart nang nagdiwang siya ng kaarawan at pati na rin sa wedding reception niya sa Balesin dahil hindi nakarating ang kanyang mga magulang.

Pilit ding nagpakatatag noon si Heart para huwag siyang umiyak habang mag-isa siyang naglakad sa makeshift altar sa garden/beach wedding nila ni Senator Chiz sa Balesin.

Sa kabila nito, ilang beses iginiit ni Heart sa nakaraan niyang panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! Magazine na patuloy silang umaasa ni Senator Chiz na balang-araw ay magiging maayos ang lahat sa pagitan nila at ng mga magulang ng aktres.

Read: Heart Evangelista on fighting for Chiz Escudero: “For you I would do it a thousand times over.”

Read: PEP Exclusive: Senator Chiz Escudero optimistic about better relationship between Heart Evangelista and her parents

Hindi man nakarating ang mga magulang ni Heart sa wedding nila ni Senator Chiz sa Balesin, tila kakuntsaba ng senador ang mga nakatatandang kapatid ng aktres na sina Camille at Mich Ongpauco kaugnay ng surprise letter mula kay Mr. Reynaldo Ongpauco.

Read: Chiz Escudero and Heart Evangelista's wedding reception highlights

Ito ang liham kung saan bahagyang nagpaliwanag si Mr. Ongpauco kung bakit hindi sila nakarating ng kanyang misis na si Cecile sa kasal ng kanilang bunsong anak.

Read: Heart Evangelista cries over father's letter on her wedding day


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN