Marian Rivera no comment on Angelica Panganiban’s controversial dubsmash video

Marian Rivera chooses not to comment on Angelica Panganiban’s controversial dubsmash video to avoid unnecessary stress. Marian is now pregnant with her first child with husband Dingdong Dantes.


Ayon kay Marian Rivera, katulad ng ibang mga babaeng nagbubuntis, may mga pagbabago rin sa kanyang mga nararamdaman, kagaya ng pagiging sensitibo at emosyunal.

Kaya iniiwasan daw niya ang mga negatibong bagay na posibleng makaapekto sa kanyang emosyon.

Sabi ni Marian, “Actually, emotional, yes, kasi very sensitive talaga ang buntis.

"Konting arte lang, mapanood ko lang sa TV, parang [apektado ako].

"Kaya ako, pinipili ko ang mga pinapanood ko, pinapakinggan ko, mga kasama ko.

"So, lahat ng mga makapagpapasaya sa akin."

Nakausap ng press si Marian sa renewal of contract niya sa kanyang iniendorsong Maxi-Peel, ngayong Martes, May 26, sa Sequoia Hotel, sa Quezon City.

Sundot na tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isinasarado ba muna niya ang sarili sa mga negatibong bagay?

Tugon ni Marian, “Oo. Huwag na muna yung negative.

"Tsaka hindi totoo na porke’t kailangan... pag buntis, kailangan tumataba, kailangan pangit.

"Parang nasa pagdadala siguro ng babae o nagbubuntis 'yon."

Kaugnay nito, sinubukang kunan ng reaksiyon si Marian tungkol sa dubsmash video ni Angelica Panganiban, kung saan ginaya niya ang pamosong linyang “You’re nothing but a second-rate, trying hard, copycat” mula sa pelikulang Bituing Walang Ningning.

Ginamit ni Angelica sa video ang mga larawan ni Marian at ni Heart Evangelista kung saan halos pareho sila ng suot na damit.

Marami ang nag-react sa nasabing dubsmash video ni Angelica dahil na rin sa mga larawan nina Marian at Heart, na madalas ipinagkukumpara at pinagtatapat.

Read: Angelica Panganiban creates "copycat" dubsmash featuring Marian Rivera and Heart Evangelista

“Ang hirap mag-react, e, no comment na lang ako,” pag-iwas ni Marian nang tanungin tungkol dito.

Sinabi rin ng Kapuso actress na iwas muna siya sa mga maaaring makapagpa-stress sa kanyang pagbubuntis.


DINGDONG AND POLITICS. Kinunan din ng reaksiyon si Marian tungkol sa paglilinaw ng kanyang asawang si Dingdong Dantes na hindi siya tatakbo sa 2016 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Siyempre para piliin niya ang pamilya, malaking bagay para sa akin.

"Pero si Dong kasi ang tipo ng tao na hindi siya tatakbo, pero 'andiyan yung Yes Pinoy Foundation, 'andiyan yung NYC [National Youth Commission] niya.

“Parang sabi ko nga, hindi lang si Dong tipong ma-post at ma-social media sa lahat ng kilos niya.

"Pero minsan, walang tulog pupuntang Mindoro, pupunta kung saan-saan, nagbibigay siya ng mga seminars sa mga kabataan ano’ng gagawin pag lumindol, ano’ng gagawin mo kapag ganito, saan ka puwedeng mag-aral, ano’ng edukasyon ang puwede...

“Kung alam lang nila kung gaano ka-dedicated si Dong sa bawat ginagawa niya.”

Sabi pa ni Marian, pinatunayan ng kanyang mister na hindi porke’t aktibo ang isa tao sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko ay nangangahulungan nang may balak itong pasukin ang pulitika.

“Napatunayan ni Dong na hindi tatakbo ang asawa ko.

"Kasi minsan, porke’t may ginagawa yung tao, may dahilan na.

“At least si Dong, ginagawa niya ito kasi mahal niya, gusto niya ang mga kabataan, gusto niyang tumulong.

"So, happy na ako dun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN