Annabelle Rama refuses to accept daughter Ruffa Gutierrez’s boyfriend Jordan Mouyal

Annabelle Rama on her ongoing conflict with daughter Ruffa Gutierrez: "Hindi ko siya mapapatawad hanggang ngayon... Kasi marami nagsasabi, ‘Ang arte-arte, hindi pa binabati [yung] anak niya, binabati na siya.’Ayoko siyang batiin na wala pa sa time na batiin ko siya."


“Hindi ko pa siya pinapatawad.”

Ito ang diretsahang pahayag ni Annabelle Rama patungkol sa away-bati nilang relasyon ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez.

Magkasamang humarap sa entertainment media sina Annabelle at Ruffa sa presscon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez, na ginanap sa Cocoon Boutique Hotel, ngayong Martes, May 26.

Kaugnay ito ng pag-ere ng naturang reality show via The Filipino Channel (TFC) simula June 6 at sa Lifestyle Network sa June 29.

Kapansin-pansing halos hindi tinitingnan at hindi direktang kinakausap ni Annabelle si Ruffa kahit na magkasama sila sa presidential table.

Hindi rin nagpapigil si Annabelle kahit na sinubukan ng isa pa niyang anak na si Raymond Gutierrez na pigilan siyang magsalita laban kay Ruffa.

Sabi pa ni Annabelle, “Huwag mo 'ko tutulan, Mond [Raymond Gutierrez].

“Sinasabi ko lang ‘to kasi maraming nagtatanong sa akin kung drama ba itong nangyayari.

“Sa aming show, walang halong drama, lalo na ako, I hate script.

“Kaya hindi ako tumuloy sa pag-aartista ko kasi ayoko ng script talaga.

“Gusto ko sa sarili ko lang.

"Kaya lahat ng nangyayari na napapanood niyo, totoo lahat iyan, walang drama."


NOT THE RIGHT TIME TO RECONCILE. Nang hingan ng reaksiyon si Ruffa, mapagkumbabang nilinaw ng aktres na hindi nawawala ang respeto at pagmamahal niya para sa ina sa kabila ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

Sa puntong ito, hindi maiwasang maging emosyunal ni Ruffa, lalo pa’t hayagang tumanggi si Annabelle na magkaayos sila.

Maging si Annabelle ay napaluha na rin ngunit nanindigan itong iniisip lang niya ang kapakanan ng anak.

Sabi ni Annabelle, “Ayoko isipin ng tao na napakaarte ko naman.

“Kung gusto niyo malaman kung anong reason ba’t 'di ko siya mapapatawad, panoorin niyo yung Season 3.

“Kasi marami nagsasabi, ‘Ang arte-arte, hindi pa binabati [yung] anak niya, binabati na siya.’

“Ako kasi, kapag hindi pa time, hindi ko pinipilit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko siyang batiin na wala pa sa time na batiin ko siya.”

Bilang patunay, hangga’t maaari ay iniiwasan umano ni Annabelle na puntahan ang kung anumang activity/event na naroon si Ruffa, maliban sa mismong presscon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

“Sinabi sa akin ng director na ‘Um-attend ka sa affair ni Ruffa para sa show para maki-party.’

“Hindi! Ayoko siyang batiin dahil lang sa show.

“Hindi ko siya mapapatawad hanggang ngayon.

“Kaya lahat ng imbitasyon nila sa akin, hindi ako uma-attend talaga, sila-sila na lang.”

Giit pa ni Annabelle, hindi siya basta-basta magagalit kay Ruffa nang walang sapat na dahilan.

Aniya, “Actually, ‘pag may away kami ni Ruffa, lahat sila kakampi roon.

“Walang kumakampi sa akin. Ako na lang lagi ang mali.

“Lagi akong sinasabihan ni Raymond magpa-massage daw ako, magpa-spa ako.

“Ano ako, sira-ulo? Magsisisigaw [nang] walang reason?

“There’s always a reason kaya ako nagagalit.”


Sa kasalukuyan ay umabot na umano ng “two to three months” na hindi kinakausap ni Annabelle si Ruffa.

Huling nakitang tila magkaayos ang mag-ina sa debut ni Julia Barretto noong Marso.

Ngunit muling nagkaroon ng alitan sa pagitan nila matapos tawagin ni Annabelle na “tanga” at “bobita” ang isang ‘di pinangalanang babae sa Twitter account ng una noong April 17.

Nasundan pa ito ng isang series of tweets kung saan nagbitiw ng maaanghang na salita si Annabelle patungkol sa isa pa ring 'di pinangalanang personalidad.

Read: Annabelle Rama resumes rant on Twitter after daughter Ruffa Gutierrez's interview

Tweet ni Annabelle: “You missed me? Bull shit!!! Asikasuhin mo na lang yung alaga mong asungot, P.G.”

Matatandaang minsan nang tinawag ni Annabelle na “PG” ang boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal.


DISAPPROVAL TOWARS RUFFA’S BOYFRIEND. Pagkatapos ng presscon proper, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters si Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay inamin niyang kahit papaano ay lumambot ang puso niya nang makitang umiiyak si Ruffa dahil sa kanilang ‘di pagkakaunawaan.

“Siyempre nahawa din ako sa kanya nung umiyak siya.

“Siyempre napi-feel ko as mother na umiyak siya, pero hindi ko siya babatiin pa rin.

“It’s a big big reason kaya I cannot reveal it.

"Just watch the show na lang," sabi ni Annabelle, na ang tinutukoy ay ang Season 3 ng reality show ng kanilang pamilya.

Ngunit lumalabas na isa sa mga hindi matanggap ni Annabelle ay ang desisyon ni Ruffa na ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon niya kay Jordan.

Hindi raw kasi nakikita ni Annabelle kay Jordan ang mga katangian ng isang lalaking nararapat para sa kanyang anak.

“Ang importante sa akin, lalaki na may hanapbuhay, kaya siyang pakainin, pakainin yung dalawang anak niya.

"Yun lang naman ang gusto ko, e."

Nakita niya ba ang traits na nabanggit niya kay Jordan?

Prangkang sagot ni Annabelle, “Wala.”

Aminado si Annabelle na posibleng matindi ang pagmamahal ni Ruffa para kay Jordan kaya hindi nito maiwan ang nobyo, kahit pa nagiging dahilan ito ng pag-aaway nilang mag-ina.

“Siguro ganun nga talaga,” sambit niya.

Ngunit ang hindi umano matatanggap ng Gutierrez matriarch ay kung mabuntis ni Jordan si Ruffa.

“That’s the worst! Hindi ko na siya makikita na.

“Hanggang kamatayan na ‘yan, 'Day, hindi ko siya babatiin!”

Minsan nang nabanggit ni Ruffa sa PEP na may mga pagkakataong tila gumagaan na ang loob ni Annabelle kay Jordan.

Tulad umano noong nakaraang Pasko kung saan binigyan ng regalo ni Annabelle ang boyfriend ni Ruffa.

Nang hingan ng komento si Annabelle ukol dito, ito ang kanyang naging sagot: “Hindi!

“Yung regalo, para sa lahat yun. Meron si Eddie [Gutierrez, her husband], meron si Elvis [Gutierrez]…

“Siyempre nasa bahay siya. Alangan namang ‘di mo bigyan yun dumating siya? Paskong-Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN