Senator Chiz Escudero confirms dinner with wife Heart Evangelista’s parents

Ilang buwan pagkatapos maikasal si Senator Chiz Escudero kay Heart Evangelista, tila ang nalamatang relasyon ng senador sa mga magulang ng asawa ay maaayos na rin sa wakas. Nagkita at nagkausap na ang magkabilang kampo sa isang dinner na ginanap sa bahay nina Senator Chiz at Heart.


Kinumpirma ni Senator Francis "Chiz" Escudero ang pagkikita nila ng mga magulang ng asawang si Heart Evangelista na sina Reynaldo at Cecile Ongpauco sa isang dinner nitong weekend.

Maiksing panahon lang daw ang naturang pagkikita nila dahil nanggaling pa si Senator Chiz sa isang natanguang commitment.

Sabi ni Senator Chiz sa ulat ng GMA News online ngayong araw, May 26, “Nagkita rin kami pagkatapos kasi may pinuntahan din muna ako bago yun.”

Hindi man nagdetalye ang senador kung ano ang nangyari at napag-usapan nila sa naturang meeting, umaasa siyang ito na ang simula ng magandang samahan nila ng mga magulang ng kanyang kabiyak.

“Basta maganda at maayos at papunta sa tamang direksyon at sana magpatuloy yun.

"At buo ang pag-asa ko na matutuloy nang ganun yun," pahayag ni Senator Chiz.

Masaya rin ang senador dahil nagkaayos na si Heart at ang mga magulang nito.

“Maayos naman, maayos naman yung dinner nila.

"Pero maganda yung nangyayari, kung anumang gusot na meron noon, naaayos unti-unti na ngayon.

"Ayaw kong maunsyami kaya hayaan na muna natin na ganun," sabi ni Senator Chiz.

Nauna nang nagbigay ng hint si Heart sa kanyang Instagram account na nagkaayos na ang kanyang mga magulang at si Senator Chiz, pagkatapos ng hindi pagdalo ng mga ito sa engagement at kasal ng aktres.

Read: Have Heart Evangelista’s parents reconciled with Senator Chiz Escudero?

Tanging sulat lamang ng pagbati ang ipinadala ng ama ng Kapuso actress sa kasal nitong noong February 15, 2015l at binasa ito sa mismong wedding reception ng dalawa sa members-only resort na Balesin Island Club, Polillo, Quezon.

Read: Heart Evangelista cries over father's letter on her wedding day


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN