Heart Evangelista on reconciliation between her parents and Sen. Chiz Escudero: “And then my life is perfect.”

Matapos ang halos dalawang taong alitan, nagkaayos na sina Senator Francis ‘Chiz’ Escudero at sina Rey at Cecile Ongpauco, ang mga magulang ng kanyang asawang si Heart Evangelista. Nagkaroon ng away ang magkabilang panig nang akusahan ng mga magulang ni Heart si Senator Chiz na sanhi ng sigalot sa kanilang pamilya.


Kumpirmadong nagkaayos na si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero at ang mga magulang ng kanyang misis na si Heart Evangelista, sina Rey at Cecile Ongpauco,

Sa pamamagitan ng litratong ibinahagi ni Heart sa kanyang Instagram account ngayong gabi, May 28, sinabi ng Kapuso actress na perpekto na ang kanyang buhay dahil nga sa pagkakaayos ng kanyang mga magulang at ng mister niya.

Sa larawan ay magkakasama sina Heart, Senator Chiz, at ang mga magulang ng aktres.

Base sa dating Instagram posts ni Heart, posibleng ang litratong ito ay kuha sa dinner nilang apat nitong nakaraang weekend.

Read: Senator Chiz Escudero confirms dinner with wife Heart Evangelista’s parents


Caption ng 30-year-old Kapuso star dito: “And then my life is perfect...

"I thank God for this moment❤️ anything is possible with God❤️ keep your heart pure, keep praying and in God's perfect time...

"I believed ❤️#happyfamily miracles happen...wait for yours❤️❤️❤️❤️”

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na tutol ang mga magulang ni Heart sa relasyon ng kanilang anak kay Senator Chiz.

Noong Marso 2013 ay nagpatawag pa ng presscon ang mga magulang ni Heart at naghayag ng kanilang disgusto sa nobyo pa lamang noon ng aktres.

Sinabi rin nilang ang senador ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng sigalot sa kanilang pamilya.

Read: Cecile Ongpauco on Senator Chiz Escudero: “I simply wish he could find someone his own age.”

Ang sigalot nilang ito ang dahilan kung bakit hindi dumalo sina Rey at Cecile Ongpauco sa kasal ni Heart kay Senator Chiz noong February 15, 2015.

Read: Heart Evangelista cries over father's letter on her wedding day


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN