Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

GMA Artist Center issues statement about Steven Silva's dissatisfaction

by Arniel C. Serato
Jun 3, 2015
Ayon sa GMA Artist Center, hindi sila nagkulang sa pag-aalaga sa career ng dati nilang talent na si Steven Silva. Ikinakalungkot lang nila na hindi na-appreciate ng singer-actor ang kanilang ginawang efforts para sa kanyang career.

“It is unfortunate that even after his management team has greatly invested on and fulfilled its obligations to Steven, he did not appreciate the efforts made to further his career.”

Ito ang bahagi ng statement na ipinadala ng GMA Artist Center sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Miyerkules ng umaga, June 3, kaugnay ng mga himutok ni Steven Silva laban sa Kapuso network.

Matatandaang sa panayam ng PEP sa Ultimate Male Survivor ng fifth season ng reality-based artista search na StarStruck, sinabi nitong hindi masyadong naalagaan ng Kapuso network ang kanyang career sa loob ng limang taong pamamalagi niya rito.

Read: Steven Silva airs grievances at GMA Network; mulls quitting showbiz

Natapos ang kontrata ni Steven, 28, sa GMA noong February 2015, na nag-umpisa mula nang manalo siya sa StarStruck noong 2010.

Pahayag pa ng GMA Artist Center, sa loob ng pamamalagi ni Steven sa istasyon ay nabigyan naman siya ng mga markadong proyekto sa telebisyon at pelikula.

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, hangad pa rin daw ng talent arm ng Kapuso network na maging maganda ang kahinatnan ng career ni Steven.

Narito ang kabuuang statement ng GMA Artist Center:

“Through GMA Artist Center, Steven Silva was given numerous opportunities to develop and strengthen his skills as an artist.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"He starred in several television projects including Love Bug, Koreana, Time of My Life, Together Forever, Akin Pa Rin ang Bukas, Taste Buddies, and Sunday All Stars. He also appeared in the movie Just One Summer produced by GMA Films.

“GMA Artist Center also enrolled him in various workshops, Filipino (Tagalog) Proficiency Training, arranged product endorsements and booked him in numerous local, regional and international events.

“It is unfortunate that even after his management team has greatly invested on and fulfilled its obligations to Steven, he did not appreciate the efforts made to further his career.

“GMA Artist Center wishes him well in his future endeavors.”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Steven Silva
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa GMA Artist Center, hindi sila nagkulang sa pag-aalaga sa career ng dati nilang talent na si Steven Silva. Ikinakalungkot lang nila na hindi na-appreciate ng singer-actor ang kanilang ginawang efforts para sa kanyang career.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results