Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Daniel Matsunaga ends speculations about relationship with Erich Gonzales: “Yes, she’s my girlfriend now.”

by Arniel C. Serato
Jun 3, 2015
Tinuldukan na ni Daniel Matsunaga ang matagal nang espekulasyon tungkol sa relasyon nila ng aktres na si Erich Gonzales. Ginawa ni Daniel ang pag-amin sa guesting nilang dalawa ng kanyang “girlfriend” sa Kapamilya Deal or No Deal ngayong Miyerkules ng hapon, June 3.

“She’s my girlfriend now.”

Ito ang deklarasyon ni Daniel Matsunaga patungkol sa matagal nang napapabalitang relasyon nila ni Erich Gonzales.

Ginawa ni Daniel ang pag-amin sa nationwide broadcast ng Kapamilya Deal Or No Deal ng ABS-CBN kaninang Miyerkules ng hapon, June 3.

Sina Daniel at Erich ang naging celebrity players sa show na hinu-host ni Luis Manzano.

Unang napansin ni Luis na ayaw bitawan ng dalawa ang kanilang mga kamay.

Tanong ng TV host sa dalawa: “Pare, ayaw niyong bitawan ang isa’t isa, 'no?”

Halos sabay na tugon nina Daniel at Erich: “Malamig, malamig.”

Kasunod nito ay tinanong ni Luis kung paano na-realize ni Daniel na ang attraction niya kay Erich “is becoming more than friends.”

Kinikilig na sagot ni Daniel, “Crush ko, bro.”

Paano ba sila nagkakilala?

Tugon ni Erich, “Nagkakilala kami last year pa [sa Palawan] because of Kris TV.

"Tapos, we share the same interests, ganyan. Tapos, we go to the same church din.”

Continue reading below ↓

Muling tanong ni Luis: “Linawin muna natin, bakit spartan-spartan baby?”

Ang tinutukoy ni Luis ay ang madalas na ginagamit na hashtag ni Daniel sa kanyang posts sa Instagram tungkol sa kanila ni Erich na #spartan at #spartanbaby.

Dito na nadulas si Daniel.

Tugon niya, “Well, siguro mahilig ako sa workout-workout, ‘di ba? So, nung naging kami…”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sabat ni Luis, “O tapos, tapos, walang paikot-ikot...

"Hindi nanggaling sa akin, hindi nanggaling kay Erich, malinaw, ‘Nung naging kami.’ Tapos!

"Maraming salamat."

Aminado naman si Daniel na nahuli nga siya ni Luis.

Dugtong pa ni Luis, “Noong naging nag-boyfriend-girlfriend kayo...”

Pagkumpirma naman ni Daniel, “Yes, yes... She’s my girlfriend now.”

Unang lumutang ang balitang may relasyon ang dalawa nang matapos ang pinagsamahan nilang teleserye sa ABS-CBN, ang Two Wives.

Si Kris Aquino ang unang naghayag na hiwalay na si Erich sa longtime non-showbiz boyfriend nito, kasunod ng haka-hakang nagdi-date na sina Daniel at Erich.

Continue reading below ↓

Read: Kris Aquino confirms Erich Gonzales's breakup with non-showbiz BF; Erich dating Daniel Matsunaga?

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinuldukan na ni Daniel Matsunaga ang matagal nang espekulasyon tungkol sa relasyon nila ng aktres na si Erich Gonzales. Ginawa ni Daniel ang pag-amin sa guesting nilang dalawa ng kanyang “girlfriend” sa Kapamilya Deal or No Deal ngayong Miyerkules ng hapon, June 3.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results