Martin del Rosario strongly denies alleged viral nude photo

Pinabulaanan ng Kapuso actor na si Martin del Rosario na siya ang lalaki sa kumakalat ngayong nude photo. "Hindi po ako yun!" natatawang sabi niya.


Mariing itinanggi ng Kapuso actor na si Martin del Rosario na siya ang lalaki sa kumakalat ngayong nude photo sa Internet.

Sa nasabing larawan ay makikita ang isang nakabukakang hubad na lalaki, kung saan bahagyang natatakpan ang mukha nito ng kanyang naghuhumindig na ari.

Unang lumabas ang naturang larawan sa isang gossip blogsite, gabi ng Miyerkules, June 3.

"Hindi po ako yun!" natatawang pahayag ni Martin sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng telepono ngayong araw, June 4.

Paano niya nasabing hindi siya ang lalaking nasa larawan?

Sagot ng aktor, "Wala, e. Kilala ko naman ang sarili ko. Kaya hindi po talaga ako yun."

Masasabi ba niyang pinaglaruan lang o in-edit ang larawan ng isang nakahubad na lalaki upang palabasin na siya ito?

Giit ni Martin, "Hindi ko alam kung na-Photoshop yun o ano, pero hindi talaga ako yun."

Nalaman daw ng Buena Familia star ang tungkol sa naturang larawan nang may nag-tag nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sigurado ba siyang wala siyang mga hubad na larawan, na posibleng nakuha sa kanyang telepono na nanakaw?

"Wala, wala. Wala po," sabi ni Martin.

Bago pa lumabas ang isyung ito, matagal na ring pinagdududahan ang pagkalalaki ni Martin, ngunit nilinaw na niya ang tungkol dito sa kanyang mga nakaraang panayam.

Read: Martin del Rosario learns the art of deadma in dealing with persistent gay rumorWatch: Martin del Rosario denies being gay


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close