Derek Ramsay greets son advance happy birthday on Instagram; posts a photo of them together

Derek Ramsay posts a photo of him and son Austin on Instagram as his way of greeting Austin on his birthday. Derek also posted this message as caption: “Miss this guy so much. Love you son! Advanced happy bday!”


Maiksi ngunit makahulugan ang mensahe ni Derek Ramsay para sa kanyang 11-anyos na anak na si Austin nitong Miyerkules, June 3, sa Instagram account ng aktor.

Si Austin ay anak ni Derek sa dati nitong asawang si Mary Christine Jolly, na naka-based ngayon sa Dubai.

Nasa kustodiya ni Jolly ang anak nila ni Derek.

Umabot man sa puntong sinampahan ni Mary Christine si Derek ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, halos isang taon na ang nakalilipas, nagkaroon naman ng agreement sina Derek at Mary Christine pagdating sa kanilang anak.

Binibigyan na ng pagkakataon si Derek na makapiling at makilala nito nang husto ang kanyang anak.

Read: FIRST READ ON PEP. Derek Ramsay and Mary Christine Jolly settle differences for the sake of son Austin


DEREK GREETS HIS SON. Nitong Miyerkules, June 3, nag-post si Derek ng larawan nilang mag-ama at binati ang anak sa nalalapit nitong birthday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa caption: “Miss this guy so much. Love you son! Advanced happy bday!”

Miss this guy so much. Love you son! Advanced happy bday!

A photo posted by @ramsayderek11 onJun 2, 2015 at 10:41pm PDT

Noong December 2014, nakasama na ni Derek si Austin at nagkaroon sila ng pagkakataong kilalanin ang isa't isa.

Sa press conference noon ng 2014 Metro Manila Film Festival entry na English Only Please, masayang ikinuwento ni Derek ang father-son bonding nila ng kanyang anak.

Sabi noon ni Derek, “I have an opportunity to be a father which wasn’t given to me before.

“I’m going to maximize the time that I have because he’s leaving in December for Dubai. He’ll be starting school in Dubai in January.”

Read: Derek Ramsay looks forward to spending birthday, holiday season with son Austin

Samantala, bago ang Instagram post ni Derek kasama ang anak nitong Miyerkules, ilang beses din siyang nag-post ng mga larawan ng kanilang bonding moments ni Austin noong nakaraang Pasko.

I dont know who's crazier!!! Nice hangin buddy!!

A photo posted by @ramsayderek11 onDec 2, 2014 at 4:18am PST

Thank you @lynvalenzuela for the gifts. Love ya

A photo posted by @ramsayderek11 onDec 4, 2014 at 3:33am PST

Miss you so much buddy. Happy happy new year.

A video posted by @ramsayderek11 onDec 30, 2014 at 9:33pm PST


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close