Winwyn Marquez still undecided if she’ll join Binibining Pilipinas again

Winwyn Marquez on joining Binibining Pilipinas: "It opened a lot of opportunities and doors for me na hindi ko inasahan na magagawa ko rin... So it’s really nice na kahit hindi ako nanalo, yung mga gusto kong gawin, yung mga pinangarap ko ding gawin, nagagawa ko nang unti-unti.”


Hindi pa raw napagdedesisyunan ni Winwyn Marquez kung sasali siya ulit sa Binibining Pilipinas.

Ngayong taon ay sumali si Winwyn. Bagamat nakapasok siya sa semifinals ay nabigo siyang makakuha ng anumang korona.

Sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko pa po alam.

“As of now, hindi ko po kasi iniisip na sasali ako next year.

“So, hindi ko po talaga sure.”

Sa 2016 ay malaki ang posibilidad na sumali sa Binibining Pilipinas ang kapwa niya Kapuso actress at kaibigan na si Diva Montelaba, base na rin sa interview ng StarStruck alumna sa presscon ng My Mother’s Secret.

Read: Diva Montelaba still aspiring to join Binibining Pilipinas

May tsansa kayang magkalaban sila next year sa Binibining Pilipinas?

Sagot ni Winwyn, “I don’t know really if I’m going to join or not.

“Pero siyempre, excited rin ako for her kasi alam ko gusto niya talaga sumali since before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yeah, I’m excited na sumali siya.

“Ako naman kasi, I’m really not sure.

“I’m happy naman, I mean, ‘di ba, kahit hindi nanalo, happy pa rin naman ako.

“So, bahala na po next year. Hindi ko pa talaga po kasi alam.”

DESERVING. Kahit hindi nanalo si Winwyn, marami ang naniniwalang may karapatan siyang manalo ng isa beauty titles noong nakaraang Binibining Pilipinas pageant.

Sabi niya tungkol dito, “Sobrang thankful po, sobrang blessed na lahat ng pinaghirapan and lahat ng sacrifices ko, may pinuntahan din naman pala.

“So, kahit wala akong crown, I still feel like I have a crown dahil sa mga tao na nag-support sa akin, and yung mga really good comments na nakuha ko after the pageant.

“Sobrang thankful”

Dagdag pa ni Winwyn, “Tsaka it opened a lot of opportunities and doors for me na hindi ko inasahan na magagawa ko rin.

“I’m hosting right now sa Sunday All Stars, pinaghu-host na nila ako minsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, nagdya-judge na rin ako ng mga activities sa mga school, nagtu-talk ako sa mga school about leadership, mga ganyan.

“Nakapag-talk na ako in San Beda, in UP Los Baños, sa mga college students.

“So it’s really nice na kahit hindi ako nanalo, yung mga gusto kong gawin, yung mga pinangarap ko ding gawin, nagagawa ko nang unti-unti.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close