Daniel Padilla grateful to fans for supporting Pangako Sa’Yo

“Kumbaga sa Pangako, mas mature. Mas mature din ang concert na ’to,” says Daniel Padilla about his third major concert, Most Wanted, on Saturday, June 13.


Ilang linggo pa lamang ang Pangako Sa 'Yo ay usap-usapan na ito sa social media.

Kaya naman ibinibigay ni Daniel Padilla sa co-stars nila ni Kathryn Bernardo ang pagiging successful nito na maging trending topic halos gabi-gabi, pati na rin sa TV ratings.

Read: How did Pangako Sa 'Yo remake fare in the ratings game?

“Ako, sobrang happy kasi nangyari naman 'yon wala pa kami.

“Sobra akong honored na nakasama ko si Miss Jodi [Sta. Maria], Miss Angelica [Panganiban], at saka si Tito Ian [Veneracion] dahil sila 'yon, e.

“Nagustuhan 'yon ng mga tao dahil sa mga ipinakita nilang eksena,” sabi ni Daniel nang makausap siya ng entertainment reporters sa press conference ng Most Wanted concert niya kahapon, Sabado, June 6.

Katulad nito, lubos din ang pasasalamat ng binatang aktor sa fans na sumubaybay sa unang paglabas nila ni Kathryn sa Pangako Sa 'Yo noong Biyernes, June 5.

Read: How Twitter reacted to Kathniel debut in Pangako Sa 'Yo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, happy dahil ang tagal nila kaming inabangan.

“Ang tagal rin naming nawala sa TV, 'di ba? Sobra kaming happy kasi nandito na naman kami, nasa TV kami,” ani Daniel.

Kaugnay nito, muling nilinaw ng Kapamilya teen heartthrob na walang pressure sa kanila na mahigitan pa ang original na Pangako Sa 'Yo, na pinagbidahan noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

“Sabi ko nga dati, hindi kailangang pantayan, hindi kailangang higitan.

“Bakit mo kakalabanin? E, kakampi mo nga 'yon dahil 'yon ang nire-remake mo.

“Ang kailangan mo na lang ay galingan at gawin mo na lang kung gaano na kaganda yung ginawa nila dati,” paliwanag ni Daniel.

TIME FOR CONCERT. Samantala, pabiro namang sumagot si Daniel nang matanong siya tungkol sa magiging concert niya sa Mall of Asia Arena sa Sabado, June 13.

May time pa ba siya makapaghanda para sa concert gayong puspusan din ang taping nila para sa Pangako Sa 'Yo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabirong sagot ni Daniel, “Sana may leave din ako kasi hindi naman ako superhero, 'di ba?”

Ayon sa tinaguriang Teen King, may mga tao naman na nag-aayos ng schedule niya.

“Paalala lang ako. Kasi naba-budget naman nila, nakakalimutan lang nila.

“Kakalabitin ko lang sila, 'Hoy, may concert ako, ha,'” muling biro ni Daniel.

Dahil wala pang sapat na pahinga, tinanong si Daniel kung may boses pa kaya siya para sa concert.

Natatawang sagot niya, “'Yon ang plano. Sana 'yon ang mangyari. Sana masunod 'yon. Pagpapahingahin naman nila ako. Kaya 'ayun, kita-kita na lang tayo.”

Gayunman, naniniwala siya na magiging maganda ang kalalabasan ng kanyang ikatlong major concert.

“Kaya naman. Kaya naman natin 'yon. Kayang-kaya naman,” pahayag ni Daniel.

Dagdag pa niya, “Basta iba ito sa dalawang nagawa kong concert.

“Sabihin ko raw surprise... Hindi, iba talaga.

“Kumbaga sa Pangako, mas mature. Mas mature din ang concert na 'to.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close