Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Heart Evangelista wants special celebration with her parents on wedding anniversary with Chiz Escudero

Text: Rachelle Siazon Interview: FM Ganal
Jun 9, 2015
Heart Evangelista on Senator Chiz Escudero's reconciliation with her parents: "It just all fell into place, I guess. And when they met, we didn’t really have to talk about anything else."

Wala nang mahihiling pa si Heart Evangelista, 30, lalo pa’t aprubado na ng mga magulang niya ang marriage nila ni Senator Chiz Escudero, 45.

Kaugnay ito ng pagkakaayos ng senador at mga magulang ni Heart na sina Reynaldo at Cecile Ongpauco mahigit dalawang linggo ang nakakaraan.

Pahayag ni Heart nang kamustahin ang kanyang married life, “[It’s] very good. I’m very happy.

“I’m blessed that I married a friend, so I didn’t really adjust so much to being married.

“And it’s just really nice, especially my family and I and Chiz [are all on good terms].

“Everything is well, we’re all okay.

“Happy, so I can’t ask for anything else.”

Pagkatapos ng dalawang taong alitan, nagkaharap sa unang pagkakataon sina Senator Chiz at mga magulang ni Heart sa bahay ng aktres noong May 24.

Nang sumunod na araw ay muli silang nagkita-kita sa birthday celebration ng ina ni Heart.

Kuwento pa ni Heart hinggil sa pagkakaayos ni Senator Chiz at mga magulang nito: “It just all fell into place, I guess.

Continue reading below ↓

“And when they met, we didn’t really have to talk about anything else.

“We were just laughing and it was a long night because they enjoyed themselves.

“I’m very happy.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa launch ng Bomberg watch collection na ginanap sa City of Dreams, Pasay City, noong nakaraang Huwebes, June 4.

Dito rin inihayag ni Heart na mayroon silang pinaplanong espesyal na selebrasyon para sa first wedding anniversary nila ni Senator Chiz, at dadaluhan daw ito ng mga magulang ng Kapuso actress.

May kinalaman ba ito sa napapabalitang “second wedding” nila ng senador?

Sagot ni Heart, “Not a wedding, siguro.

“But definitely for our first year anniversary, we’ll have something special with them.”

Hindi man nagdetalye si Heart, nauna nang kinumpirma ni Senator Chiz na nakatakda silang mag-renew ng wedding vows sa susunod na taon.

Sabi ng senador, “It’s not a full-blown wedding. It’s just a renewal of vows.”

Continue reading below ↓

Ito raw ay upang tuparin ang pangarap ni Heart na makasama ang mga magulang sa naturang okasyon.

Matatandaang hindi nagpunta sina Reynaldo at Cecile Ongpauco sa kasal nina Heart at Senator Chiz na ginanap sa Balesin Island Club noong February 15.

READ: Chiz Escudero, Heart Evangelista to renew vows in 2016

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista on Senator Chiz Escudero's reconciliation with her parents: "It just all fell into place, I guess. And when they met, we didn’t really have to talk about anything else."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results