Ryan Agoncillo confirms wife Judy Ann Santos is pregnant

Pareho at sabay na nag-post ang mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na “positive.” Kinumpirma naman ni Ryan (kasama ang co-host na si Keempee de Leon) sa Eat Bulaga ngayong tanghali na magkaka-baby na sila ulit.


Kinumpirma ni Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga ngayong tanghali, June 10, na buntis nga ang kanyang misis na si Judy Ann Santos.

Ipinakita pa ni Ryan sa noontime show ang larawan ng ultrasound result ng second pregnancy ni Juday at pangatlong baby naman nila.

Bago ito, sabay na nag-post muna sa Instagram kaninang umaga ang mag-asawa ng isang matalinhagang post.

Ang salitang "Positive" na may kasamang smiley ang ipinost ng mag-asawa.

Sinabi naman ng manager ni Ryan na si Noel Ferrer sa kanyang Instagram account: "...Juday is 9 weeks and 1 day pregnant!"

Nitong mga nakaraang linggo nagkaroon ng mga ispekulasyon na nagdadalantao nga si Judy Ann.

#goodmorning #goodvibes

A photo posted by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) onJun 9, 2015 at 7:28pm PDT

Kalakip ng nasabing parehong post nila ay ang caption na "#goodmorning #goodvibes."

Makikita rin sa larawan ang petsa ngayon at ang oras na 10.24 AM.

Nitong May 30, nasulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi nakasama si Ryan Agoncillo sa iba pang kasamahan niyang co-host sa Eat Bulaga na lumipad patungong Hong Kong dahil tumaon ang flight nila sa check-up ni Juday noong June 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa nasabi ring petsa raw matutukoy ng mag-asawa kung talagang buntis si Juday.

Binanggit din sa ulat na tumanggi noon si Ryan na magpa-interview sa crew ng Startalk dahil kailangan pa nilang kumpirmahin kung nagdadalantao nga muli si Judy Ann.

Read: Is Judy Ann Santos pregnant?

Inulan ng pagbati ang comments section ng Instagram posts ng mag-asawa dahil sa kanilang announcement.

Hindi man nila tinukoy kung ang nasabing post ay kumpirmasyon nga na buntis si Juday sa pangalawang pagkakataon, inisip na agad ng followers nila na ang pagbubuntis nga ni Juday ang tinutukoy ng mag-asawa na “positive.”

Kabilang din sa bumati sa dalawa ay ang malapit na kaibigan ni Judy Ann na si Beth Tamayo na naka-base na ngayon sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kambal" ang tawagan nina Ryan at Beth.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN