Court of Appeals junks ABS-CBN’s case against Willie Revillame

Sa desisyong inilabas ng Court of Appeals, sinabi nitong wala nang kailangang pagtalunan sa isinampang kaso ng ABS-CBN laban kay Willie Revillame dahil wala na sa TV5 ang TV host.


Ibinasura na ng Court of Appeals (CA) ang kaso sa pagitan ng ABS-CBN at TV host na si Willie Revillame.

Sa 25-pahinang desisyon ng CA na inilabas nitong May 22, 2015, tinapos na ang special civil action for certiorari na isinampa ng Kapamilya Network laban sa naging desisyon naman ng Quezon City Trial Court Branch 21 ukol sa mga reklamong inihain ng dati nilang talent.

Ang naging reklamo noon ni Willie laban sa ABS-CBN ay ang paghingi nito ng P11.5 million na danyos-perhuwisyo na isinampa niya sa Quezon City Regional Trial Court noong August 20, 2010.

Sa nasabi ring reklamo, hiniling ni Willie sa korte na bigyan ng "judicial confirmation" ang pagpapawalang-bisa ng kontrata niya sa ABS-CBN, na magtatapos pa sana noong September 2011.

Ang hakbang ay ginawa ni Willie matapos umanong talikuran ng ABS-CBN ang pangako nito sa kanya na siya'y pababalikin sa Wowowee noong July 31, 2010. Sa halip daw kasi na pabalikin siya ay pinalitan ang kanyang programa ng Pilipinas, Win na Win! noong July 31 din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, nagsampa rin ang ABS-CBN ng kontra-demanda na P127-million copyright infringement kay Willie noong umere na ang bago niyang show sa TV5 na Willing Willie, dahil diumano'y ginaya nito ang dating noontime show sa kanilang istasyon na Wowowee.

Read: ABS-CBN files copyright infringement case against Willing Willie

Pero, hindi nagtagumpay ang ABS-CBN na makakuha ng TRO (temporary restraining order) mula sa QC-RTC upang pigilan ang pag-ere ng show ni Willie sa Kapatid Network.

Sa halip, pinayagan ng korte ang TV host na mag-post ng P426-million surety bond.

Ang P426 million surety bond ay representasyon ng principal counterclaim na hinihingi ng ABS-CBN sa breach of contract case nito laban kay Willie.

Read: Willie Revillame's lawyer refutes ABS-CBN's accusation that Willie's P426-million surety bond is a forged document

Naiulat sa Philstar.com at ManilaTimes.net ngayong araw, June 11, na sa desisyong isinulat ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier at sinang-ayunan nina Associate Justices Mario Lopez at Mechor Sadang, sinabi nitong, “…the development emphasizes the mootness of the [petition filed by ABS-CBN].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"ABS-CBN sought to restrain Revillame from creating or performing with ABC's TV5. Since, Revillame no longer performs with ABC's TV5, the subject of ABS-CBN’s prayer for TRO no longer exists.

Nitong nakaraang March 20, 2015, pumirma ng airtime agreement si Willie sa GMA kung saan ipo-produce nito ang kanyang bagong show na Wowowin na nagsimulang umere nitong Mayo, 2015.

Read: Willie Revillame returns to GMA; signs airtime agreement for WowoWin


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close