Siquijor Vice Governor Dingdong Avanzado reacts to Isabelle Daza’s #siquiWhores

Gustong humingi ng paliwanag ang vice governor ng Siquijor na si Dingdong Avanzado mula kay Isabelle Daza tungkol sa hindi magandang salitang ginamit ng aktres sa Instagram post niya na may hashtag na #siquiWhores. Nakakasira raw kasi ang ganung klaseng salita sa kanyang minamahal na mga kababayan.


Naglabas na ng official statement ang lalawigan ng Siquijor, sa pamamagitan ng kanilang vice governor na si Dingdong Avanzado, kaugnay ng paggamit ng aktres na si Isabelle Daza ng hashtag na "#siquiWhores" sa Instagram post nito noong June 13.

Maraming netizens ang bumatikos sa naturang hashtag na ginamit ng Kapamilya actress.

Read: Isabelle Daza's beach trip hashtag #siquiwhores draws flak from her Instagram followers

Ayon kay Vice Governor Avanzado, gusto niyang malaman mula kay Isabelle mismo kung ang "#siquiWhores" na ginamit niya ay patungkol sa kanya sarili at sa kanyang kasamang fashion blogger na si Martine Cajucom o sa mga kababayan ni Avanzado sa Siquijor.

“Before jumping into conclusions, I would like to hear directly from Ms. Daza whether the offensive term #siquiWhores is a description of herself and her companion or a judgment to my beloved people of Siquijor.”

Tinuligsa din ni Vice Governor Avanzado ang pagamit ng Kapamilya actress ng mga salitang #siquiWhores—pinagsamang Siquijor at whores—na itinuturing niyang "foul and offensive" word.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Avanzado ay nanilbihan bilang konsehal ng 3rddistrict ng Quezon City mula 1998 hanggang 2001.

Noong 2007, nag-migrate sa Amerika si Avanzado, kasama ang misis niyang si Jessa Zaragoza at ang anak nilang si Jayda, ngunit pagkatapos ng ilang taon ay bumalik din sila sa Pilipinas.

Noong 2013 ay nahalal na vice governor ng Siquijor si Avanzado.

Narito ang buong statement ni Vice Governor Avanzado:

“It has come to my attention that the Instagram account @isabelledaza, which appears to be owned by actress Isabelle Diaz Daza, has posted a travel photo with the hashtag #siquiWhores.

“Before jumping into conclusions, I would like to hear directly from Ms. Daza whether the offensive term #siquiWhores is a description of herself and her companion or a judgment to my beloved people of Siquijor.

“As the vice-governor of the province, I am worried on how such a foul and offensive word would damage the reputation of the Siquijodnons in the long-run.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I believe every citizen of Siquijor deserves a clarification from Ms. Daza on the matter.#siquijor

Samantala, ang naturang post ni Isabelle ay nananatili pa rin sa kanyang Instagram account at press time.

We're here to insta! Lol #siquiWhores #dumagetiton

A photo posted by isabelledaza (@isabelledaza) onJun 12, 2015 at 8:49pm PDT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close