Martin del Rosario admits crush on Kylie Padilla: “Ina-admire ko siya.”

Martin del Rosario on Kylie Padilla’s endearing traits: “Yung ano… siguro yung hindi sobrang showbiz. And totoong tao. Totoong makipag-usap. Yung alam mo na hindi ka niloloko o pinaplastik.”


Isa si Martin del Rosario sa mga artistang dumalo sa katatapos na The PEP List awards night na ginanap noong Huwebes, June 18, sa Grand Ballroom ng Solaire Hotel and Casino sa Parañaque City.

Dahil kapapanalo lang niya bilang Best Supporting Actor sa Gawad Urian na ginanap naman sa Studio 10 ng ABS-CBN nitong nakaraang June 16, tungkol dito ang unang naitanong sa kanya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

“Siyempre ako po, sinabi ko nga po… ang nomination, sapat na sa akin ‘yon, e.

“[Dahil] nanalo pa ako, bonus na lang po iyon,” nangiting pahayag ni Martin.

“Ah, siyempre ang Gawad Urian po, isa po 'yon sa pinaka-nirerespetong award-giving body dito sa Pilipinas. So para manalo ka diyan, talagang ang sarap sa pakiramdam.

“Lalo na at mahal na mahal ang ginagawa ko, ang trabaho ko. Kaya nakakatuwa.

“First nomination ko po. 'Tapos first award ko rin po,” sabi ni Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanalo siya para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Dagitab kung saan nagwagi ring Best Actress si Eula Valdes. May balitang plano rin itong iikot sa mga international festival.

“Wala pa po akong alam tungkol do’n. Pero if ever, siyempre nakaka-proud kasi pangatlong indie film ko na ito na ginawa,” lahad niya.

Malaking boost daw para sa kanya ang pagkapanalo bilang Best Supporting Actor.

“Opo. Nakakatuwa kasi ako, matagal ko nang pinangarap na magkaroon din ng award.

“Kasi ako, gusto ko talaga yung pag-aarte. And parang confirmation kasi ito,” pahayag pa niya.

BUSY WITH TELESERYE. Matapos niyang makatanggap ng award, ano'ng susunod para kay Martin?

Kuwento niya, “Nagti-taping po ako ngayon ng Buena Familia sa GMA so medyo busy rin po.

“Kasama ko po rito sina Kylie Padilla, Angelu de Leon, Julie Anne San Jose, Jake Vargas, Bobby Andrews, Sheryl Cruz, Tessie Tomas, and maraming-marami pang iba.

“Ang role ko po dito, isang businessman na nagpaplanong maghiganti sa buena familia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Particularly, maghihiganti ako dito kay Kylie, sa character niyang si Celine. Pero sa aking paghihiganti, eventually mai-in love ako sa kanya.”

SMITTEN BY KYLIE. Gaya nina Julie Anne at Jake, sila raw ang magiging magkatambal ni Kylie sa bagong seryeng ito ng GMA.

“Very jolly si Kylie,” sabi ni Martin nang mausisa kung ano ang mga katangiang nagustuhan niya sa young actress.

“Palatawa siya and laging naka-smile. At saka first time naming magkausap na napakagaan lang. Walang awkward, ha?

“'Tapos after no’n, ang dami-dami na namin laging napapag-usapan,” lahad niya.

Pareho silang single ni Kylie. Posible kaya na magkagustuhan sila kagaya ng karaniwang nangyayari sa ibang nagkakatambal sa isang proyekto?

“Tingnan natin,” sabay ngiti ng aktor.

Appealing ba sa paningin niya si Kylie?

“Oo,” nangiti ulit na pag-amin niya.

“Gusto ko yung mga medyo mestisa na tsinita… ganyan.

“At matagal ko na ring sinasabi sa mga interview before ko pa siya makatrabaho na isa siya sa gusto ko ngang makatrabaho,” pahabol pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo close na nga raw sila ng dalaga sa ngayon. Kapag nagkakasama ba sila sa taping, nagku-confide na ba ito sa kanya?

“Well, kasi yung first taping day, hindi ko pa siya kaeksena.

“Pero siguro yung unang beses naming magkausap sa workshop, 'yon… nagsasabi siya ng mga stories about yung mga personal niya rin at mga lovelife,” patuloy niyang kuwento.

Hindi ba siya naiilang kapag naiisip niya na si Robin Padilla ang ama ni Kylie na napaka-protective sa mga anak na babae?

“Hindi naman po. Kasi trabaho lang naman po,” nangiti ulit si Martin.

WANTS TO KNOW KYLIE BETTER. Aminado siyang nakakaramdam ng admiration para kay Kylie. So open kaya ang posibilidad na manligaw siya kung mabibigyan nga ng pagkakataon?

“Why not?” ngiti na naman niya.

“Bago ko pa lang siya nakilala, e… I’m looking forward na mas makilala ko pa siya.

“Kasi alam kong mukha naman siyang mabait na tao and mabilis talagang pakisamahan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi niya talagang… hindi mahirap mahalin si Kylie?

“Ay, oo. Hindi talaga!” tawa niya.

“Kasi sa unang pagkakausap mo sa tao, malalaman mo na yung ugali ng tao.”

Ang ang mga qualities ni Kylie na pasok sa standard niya ng ideal girlfriend na kayang hinahanap?

Ayon kay Martin, “Yung ano… siguro yung hindi sobrang showbiz. And totoong tao.

“Totoong makipag-usap. Yung alam mo na hindi ka niloloko o pina-plastik.”

CRUSH. Dahil type niya si Kylie, hindi ba siya na-love at first sight sa dalaga?

“Hindi naman love agad!” pagklaro ni Martin.

“But… crush. Nagagandahan talaga ako kay Kylie and attracted nga ako sa kanya.

“And no'ng nakusap ko siya at alam kong mabait siya, siyempre… 'yon! Ina-admire ko siya.”

Ang ama ni Kylie na si Robin Padilla, mahigpit. May mga rules na dapat sundin ng mga manliligaw o magiging karelasyon ng mga anak na babae.

Handa si Martin na sundin ito kung saka-sakali?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gagawin ko iyon kapag dumating na sa point na ‘yon,” paglinaw ng aktor.

“Kasi of of now, hindi ko po masasabi.”

LATEST NUDE PHOTO SCANDAL. Pinag-uusapan lately ang tungkol sa nude photos diumano niya na lumabas sa internet.

Read: Martin del Rosario strongly denies alleged viral nude photo

Ano ang reaksyon niya dito?

“Natatawa ako. Kasi parang… 'Ako ‘yon?'

“Hindi po, e. Ang liit!” napahalakhak na biro pa ni Martin.

“Ah, wala. Natatawa na lang ako.

“Hindi naman ako naapektuhan. Wala. Kasi kilala ko naman ang sarili ko, e.

“'Tapos yung reaksyon ng family… hindi nga tinanong sa akin. Parang nung ipinakita ko, tinawanan din lang nila.”

May mensahe ba siya sa mga gumagawa no’n?

“Usually, wala na. Hindi ko na pinapansin talaga, e.

“Kumbaga kasi opinion na ng tao kung sino ang inilalagay nila do’n. Kung opinyon nila ako ‘yon, wala naman talaga akong magagawa.”

Ano sa tingin niya ang motibo ng mga tao na gumagawa ng gano’n sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Trip-trip!” nangiti ulit ang aktor.

“Yon… trip-trip. Baka trip lang nila.

“Okey lang naman ‘yon. Kung trip niya… e, walang basagan!” tawa pa ni Martin.

“''Di ba? Walang basagan!”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close