Vice Ganda threatens to pull out "small share" at Valkyrie; condemns "no crossdresser policy"

Vice Ganda on Valkyrie’s alleged no crossdresser policy: "The ’No Crossdressing Policy’ in any establishment is so THIRD WORLD. If Valkyrie implements this crap I will pull out my very small share."


Kinondena ni Vice Ganda ang anumang uri ng diskriminasyon laban sa LGBT o lesbian, gay, bisexual, and transgender community.

Ito ang kabuuang pahayag ni Vice Ganda sa kanyang magkasunod na Twitter posts ngayong Lunes, June 22:

“To all members of the LGBT community: I AM ONE OF YOU AND I AM ONE WITH YOU.

“The 'No Crossdressing Policy' in any establishment is so THIRD WORLD.

“If Valkyrie implements this crap I will pull out my very small share.”

Hindi man nagdetalye si Vice, malinaw na kaugnay ito ng reklamo ng fashion designer na si Veejay Floresca tungkol sa dalawang insidente, kung saan hindi diumano siya pinapasok sa Valkyrie resto-bar sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Ito ay sa kadahilanang labag diumano sa “no crossdresser policy” ng Valkyrie ang pambabaeng kasuotan ni Veejay noong gabi ng June 12 at June 20.

Read: Fashion designer Veejay Floresca cries foul over alleged discrimination at Valkyrie

Bukod kina Tim Yap at Neil Arce, si Vice ay isa sa co-owners ng naturang establisimyento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito, inihayag ni Vice ang kanyang disgusto kung totoo man ang balitang pinaiiral ng Valkyrie ang “no crossdresser policy.”

Base na rin ito sa pahayag ng It's Showtime host na handa siyang bawiin ang kanyang financial investment sa nabanggit na high-end resto-bar na diumano'y ipinagbabawal ang crossdressers sa loob.

Ang “transgender” ay isang tao na iba ang itinuturing na kasarian kaysa sa biological sex o gender nito.

Habang ang “crossdresser” naman ay tumutukoy sa isang taong nagsusuot ng damit ng opposite sex.

Hindi kaila sa publiko na mismong si Vice ay nagsusuot ng damit na pambabae sa iba’t ibang okasyon—mapa-telebisyon, pelikula, o social functions.

Sa kaso ni Veejay, maituturing siyang "transwoman" base na rin sa U.S. identification card nito kung saan nakasaad na isa siyang "female."

Nitong umaga ay sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng reaksiyon ang pamunuan ng Valkyrie, sa pamamagitan ng pakikipagusap sa telepono kay Neil Arce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sa kasalukuyan ay wala pang ipinapadalang opisyal na pahayag ang pamunuan ng Valkyrie hinggil sa isyu.

Nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais ipahayag ng pamunuan ng Valkyrie, Veejay Floresca, at Vice Ganda.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close