Cris Villonco to continue using Cherie Gil’s famous line in Bituing Walang Ningning, The Musical "as long as there is no court order"

Cris Villonco on Cherie Gil’s intellectual property right complaint against Viva Films and New Performing Arts Theater, Resorts World Manila: "Ang sinabi po sa akin, as long as there is no court order. Alam ko po it was a Cease and Desist notice. Sasabihin ko pa rin po on Thursday until Sunday night this weekend [yung famous line]."


Tuloy ang paggamit ni Cris Villonco ng linyang pinasikat ni Cherie Gil sa Bituing Walang Ningning, The Musical.

Ito ay sa kadahilanang wala pa raw pormal na utos ang korte na nagsasabing intellectual property ng beteranang aktres ang linyang “You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat.”

Read: Cherie Gil wants Bituing Walang Ningning, The Musical to stop using her famous line

Matatandaang si Cherie ang unang gumanap bilang Lavinia Arguelles sa Bituing Walang Ningning, ang 1985 blockbuster film ng Viva Films na pinagbidahan ni Sharon Cuneta bilang si Dorina Pineda.

Si Cris naman ang nag-reprise ng naturang role para sa theatrical production ng Bituing Walang Ningning, na nagsimulang ipalabas sa New Performing Arts Theater, Resorts World Manila, noong June 17.

Ang baguhang musical artist na si Monica Cuenco ang gumaaganap na bagong Dorina.

Pahayag ni Cris tungkol sa isyu, “Ang sinabi po sa akin, as long as there is no court order.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And alam ko po it was a Cease and Desist Notice.

“Sasabihin ko pa rin po on Thursday until Sunday night this weekend [yung famous line].

“So, tingnan natin kung anong mangyayari next weekend.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN reporters si Cris pagkatapos ng presscon ng pelikulang The Breakup Playlist na ginanap sa ABS-CBN Dolphy Theater ngayong Martes, July 23.

Ayon kay Cris, hindi hinayaan ng produksiyon ng kanilang musical na maapektuhan ang kanyang pagtatanghal noong unang matanggap ng Viva Films at New Performing Arts Theater management ang Ceast and Desist Notice mula sa kampo ni Cherie noong Biyernes, June 19.

Kaugnay pa rin ito ng claim ng beteranang aktres na pag-aari niya ang sikat na dialogue sa pelikulang Bituing Walang Ningning.

Saad ng 31-year-old singer/actress, “Well, we were prepared.

“Actually, they were telling us kung meron man, kung may mangyayaring ganun.

“Tignan po natin kung anong linyang ibibigay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero there was one night that I know that there was something that happened, pero hindi po nila sinabi sa akin [na may Ceast and Desist notice].”

Hindi si Cris ang unang nag-reprise ng famous character ni Cherie bilang Lavinia Arguelles.

Matatandaang noong 2006 ay ginampanan ni Angelika dela Cruz ang nasabing papel sa TV version ng Bituing Walang Ningning na ipinalabas sa ABS-CBN.

Si Sarah Geronimo naman ang gumanap sa dating papel ni Sharon.

Sa nasabing teleserye ay inulit ni Angelika ang mga linyang: “You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat.”

LEAVE IT TO THE LAWYERS. Hiningan din ng reaksiyon si Cris tungkol sa pahayag ng direktor ng pelikulang Bituing Walang Ningning na si Emmanuel Borlaza na nagmula sa kanya ang dialogue na sumikat dahil sa mahusay na pagganap ni Cherie.

Sa parte niya, aminado si Cris na mas mabuting ipaubaya na sa legal counsels ng Viva Films at New Performing Arts Theater management ang pag-ayos tungkol sa usaping intellectual property rights.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, madami kaming tinanong tungkol dun.

“And hindi ko na po alam.

“With regards to copyright loss, kasi po ‘pag mga linya [ng pelikula] hindi ko po alam.

“Kasi siyempre ako, kanta [ang forte ko].

“Siyempre yung lola, [pinapakinig] din ako nun, ‘di ba? So, mas alam ko yun [music].

“So, bahala na po yung mga abugado kung anong gagawin.”

DIFFERENT ATTACK. Sa kabilang banda, iginiit ni Cris na sinikap niyang ibahin ang atake sa pagganap bilang Lavinia Arguelles sa musical version ng Bituing Walang Ningning.

Lalo pa’t aminado ang theater actress na sadyang iconic na ang delivery ni Cherie ng pamosong linyang “You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat.”

Saad ni cris, “A lot of people are comparing my version of Lavinia to hers.

“And really, I think that I would rather not imitate what was going on.

“And it was also the director’s prerogative and the material, gusto nila na gawin ko yun [different take].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I’ve really decided to do a different take on Lavinia also kasi ‘di naman po tayo puwede mag-imitate ng mga ginawa ng iba, which is also an iconic role for her and herself as well.”

Giit pa niya, “I would not like to be a copycat. I would like to be original.”

Sa kabilang banda, nilinaw ni Cris na nananatiling mataas ang respeto niya para kay Cherie.

Umaasa rin siyang maayos ang intellectual property issue sa pagitan ng beteranang aktres at ng Viva Films.

Sabi ni Cris bilang mensahe kay Cherie: “Of course, hinahangaan ko po kayo.

“Kilalang-kilala ko po kayo.

“At it will always, always be you.

“And I have no plans to be a copycat.

“So, kung ano pong mangyayari, bahala na po kayo diyan.”

Kung anu't ano pa man, mas gustong isipin ni Cris na makabubuti sa theatrical run ng Bituing Walang Ningning ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng Viva Films at Resorts World Manila sanhi ng reklamo ni Cherie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We were warned beforehand about that.

"Pero wala po tayong magagawa.

"It's still publicity for us. So, thank you na rin, 'di ba po?

"I guess people are gonna be wondering, 'Ano kaya ang sasabihin niya? Ano yung version niya?'

"So, yun ang mangyayari," prangkang saad ni Cris.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close