Viva Films refutes Cherie Gil’s claim over ’copycat’ movie line: "There’s no basis for Cherie’s claim."

Nagsalita na ang kampo ng Viva Films kaugnay ng claim ng aktres na si Cherie Gil na intellectual property niya ang sikat na linyang You’re nothing but a second rate, trying, copycat!” na kanyang ginamit sa 1985 movie na Bituing Walang Ningning.


Walang basehan si Cherie Gil upang angkinin ang linyang “You’re nothing but a second rate, trying, copycat!” na pinasikat niya sa 1985 movie na Bituing Walang Ningning.

Ito ay ayon sa legal counsel ng Viva Communications Inc. na si Atty. Heather Annang, na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, June 23.

Ang Viva Films ang nag-produce ng pelikulang Bituing Walang Ningning.

Pinagbidahan ito nina Sharon Cuneta at Cherie, kung saan ginampanan nila ang iconic roles na ngayong Dorina Pineda at Lavinia Arguelles, respectively.

May claim si Cherie na intellectual property niya ang sikat na linya na kanyang ginamit sa pelikula, at ginamit din sa musical na Bituing Walang Ningning, na nagsimula nang itanghal sa Resorts World Manila noong nakaraang linggo.

Read: Cherie Gil wants Bituing Walang Ningning, The Musical to stop using her famous line

Sa pamamagitan ni Atty. Annang, pormal na sasagutin ni Viva Films producer Vic del Rosario ang Cease and Desist Letter na ipinadala sa kanya ni Cherie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinihiling ng beteranang aktres na ipahinto ang paggamit sa classic line na “You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat” sa musical version ng pelikula.

Sa musical, si Cris Villonco ang gumaganap bilang Lavinia Arguelles at siyang gumagamit ngayon ng pamosong linya ni Cherie.

Read: Cris Villonco to continue using Cherie Gil's famous line in Bituing Walang Ningning, The Musical "as long as there is no court order"

Ang lawyer ni Cherie na si Atty. Lorna Kapunan ang nagpadala sa Viva Films ng Cease and Desist Letter noong Biyernes, June 19.

Diumano, binigyan ni Atty. Kapunan ng assurance si Cherie na may laban ito.

NO BASIS. Ngunit ayon kay Atty. Annang, walang basehan ang claim ni Cherie sa linyang pinasikat niya.

Saad niya, “Yung sulat na natanggap ng Viva noong Friday, June 19, mula kay Cherie, thru her lawyer, Atty. Lorna Kapunan.

“Ang sinasabi doon, ang claim ni Cherie, siya yung nag-isip ng linyang ‘You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat,’ at siya ang co-author ng script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At dahil doon, sinasabi niya, pinapatigil niya, pinapa-cease and desist niya ang Viva to use that line in the musical sa Resorts World.

“Ang position ng Viva is this: There’s no basis for Cherie’s claim.

“Una, ang Viva, kanya ang film rights. Kinuha niya kay Nerissa Cabral [comics novelist].

“Tapos noong 1985, in-employ ng Viva si Direk Emmanuel Borlaza to direct it, si Orlando Nadres to write the script, and of course, Sharon and Cherie to be the actors, to portray the roles.

“So, under the intellectual property code, lahat ng output nila bilang direktor, scriptwriter, artista, pagmamay-ari ng Viva, in the course of their employment, belongs to Viva.

“Yun ang sabi ng intellectual property code.”

Patuloy pa ni Atty. Annang, “Kung nabanggit man ni Cherie at kung adlib nga niya ‘yon, hindi niya maaaring i-claim na kanya.

“Pangalawa, yung sa isyu ng co-author daw siya, sa batas kasi, kapag sinabi mong co-author, may deliberate intent ang grupo na gawin ang isang bagay, yung script, tapos ito ang kalalabasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ganoon ang nangyari.

“Tapos na yung script na revised na ni Direk [Borlaza]. Naibigay na kay Cherie.

“All she has to do is act it out. Nadagdagan lang niya ‘yon.

“Na-adlib niya ‘yon, but that doesn’t make her a co-author of the script.

“Sabi nga ni Direk, siya ang gumawa ng linyang ‘yon noong nire-revise niya ang script na gawa ni Orlando Nadres.”

Diin pa ng legal counsel ng Viva, “Tuloy pa rin ang paggamit ng Viva sa line na ‘yon sa musical, kasi ang pananaw nila, walang basis ang claim ni Cherie.

“Isa pa, sa intellectual property code natin, ang copyright exists for 25 years lang over audiovisual work.

“Thirty years na, lipas na rin.

“Ang sinasabi ni Direk, ‘Ako yung gumawa ng linya.’

“Regardless kung sino sa kanilang dalawa ang gumawa ng linya, ang copyright noon, wala na.

“Because that line, ang claim namin, adlib lang ‘yon ni Cherie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa batas, sa Viva ang film rights dahil siya ang nag-produce.

“Bilang artista, lahat ng ginawa mo sa pelikula, lahat ng nasabi mo, sa Viva ‘yon.”

Matatandaang noong 2006 ay ginampanan na rin ni Angelika dela Cruz ang dating papel ni Cherie sa TV version ng Bituing Walang Ningning na ipinalabas sa ABS-CBN.

Sa nasabing teleserye ay inulit ni Angelika ang mga linyang: “You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat.”

TOMMY ABUEL. Kaugnay pa rin ng isyung ito, may isang mapagkakatiwalaang source ang nagsabing ang veteran actor na si Tommy Abuel ang siya diumanong nakaisip na sabihin ni Cherie ang pamosong linya sa eksena nila ni Sharon sa 1985 movie.

Kasama si Tommy sa cast ng film version ng Bituing Walang Ningning, kung saan gumanap siya bilang Larry Calma.

Sa isa namang interview noong 2007 ay nabanggit na rin ni Tommy ang tungkol dito sa section editor ng PEP na si Jocelyn Dimaculangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close