LGBT advocate Geena Rocero to file libel case against mentor LA Paola

Geena Rocero on money laundering accusation of her mentor LA Paola: “I have committed mistakes in the past and even now, but I have not committed the crime of money laundering that LA Paola is accusing me of.”


Isa ang LGBT advocate at TED speaker na si Geena Rocero sa matinding nagpahayag ng kanyang pagkadismaya sa isyu na “No crossdressing policy” ng Valkyrie Superclub, kung saan hindi pinapasok ang fashion designer na si Veejay Floresca at ang Super Sireyna Philippines 2014 na si Trixie Maristela.

Read: Fashion designer Veejay Floresca cries foul over alleged discrimination at Valkyrie

Sa kasagsagan ng isyung ito, naglabas ng matitinding paratang ang isang socialite na nagngangalang LA Paola, sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, laban kay Geena.

Ito’y dahil hindi raw nagustuhan ni LA Paola ang pagha-handle ni Geena sa nasabing isyu.

MONEY LAUNDERING. Nitong Martes, June 23, naglabas ng isang mahabang Facebook status si LA Paola, kung saan binansagan nito si Geena ng “screaming faggot from ghetto” at “A WOLF IN SHEEP'S CLOTHING.”

Binaggit din ni LA Paola ang isang insidente kung saan tinulungan niya si Geena dahil na-detain ito diumano sa Japanese immigration dahil sa bihis nito at sa magkakaibang dokumentong ipinakita niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inungkat din ni LA Paola ang pag-forge diumano ni Geena ng kanyang Philippine passport upang mapalitan ang una nitong pangalan na Romulo Rocero.

Bukod dito, sinabi rin ni LA Paola na sangkot si Geena sa isang money laundering scheme kasama ang isa ring transwoman na si Isbael Garcia o dating kilala bilang Tim Garcia.

Si Isabel o Tim ay ang anak ni retired Major General Carlos Garcia, na nasangkot sa isang plunder case.

Narito ang buong Facebook post ni LA Paola:

GEENA HIGH FLYING ADOREWITH REGARDS TO YOUR TWIT THE OTHER DAY ABOUT VALKYRIE.YOU NEVER LEARN THE CARDINAL RULE OF...

Posted by LA Paola on Tuesday, June 23, 2015

Sa hiwalay na post, pinakita naman ni LA Paola ang mga litrato kung saan magkasama sina Geena at Isabel habang nasa isang restaurant.

TIM GARCIA AND GEENA IN MONEY LAUNDERING BUSINESS It's really sad Geena that your...

Posted by LA Paola on Wednesday, June 24, 2015


LIBEL CASE. Mariin namang pinasinungalingan ni Geena ang mga akusasyong ito ni LA Paola.

Sa kanyang Facebook account, inamin ni Geena na magkakilala nga sila ni Isabel, ngunit hindi raw sila malapit na magkaibigan.

Paglilinaw pa ni Geena, "Paola ISABELLA Rocha Tornito (La Paola) introduced me to Isabel Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I met Isabel Garcia because she is 'anak anakan' of Paola. Paola was her mentor.

"When they had a falling out, La Paola wanted to implicate me in their fight. I refused to be involved.

“I met Isabel Garcia through La Paola.

"Isabel Garcia and I are not best friends.

"The picture La Paola is circulating doesn’t prove anything.

"It is being used by La Paola to support her fabricated stories against me.

“I haven't seen Isabel Garcia in so many years.

"I have absolutely nothing to do with the corruption issue of the Garcia family.

"I am not complicit to whatever crime they may have committed.

“I have committed mistakes in the past and even now, but I have not committed the crime of money laundering that La Paola is accusing me of.”

Sa ngayon, nasa proseso na raw si Geena ng pagsasampa ng libel case laban kay LA Paola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito na rin daw ang huling beses na maglalabas siya ng pahayag tungkol sa isyung ito.

“I am now in the process of filing a libel case against Paola. This is the last you will hear from me regarding this issue.

“And on the many other unsubstantiated things hurled against my person, I will not dignify them. Some of them are better left resolved personally by the people involved.

“I am much more than her ill-founded perception of me."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close