Pauleen Luna not in a hurry to settle down with Vic Sotto: "We’re very happy and yun lang muna ngayon."

Pauleen Luna says no to live in: “Even Vic, kahit noong bago pa lang kami, sinasabi niyang ayaw niya talaga ng live in. Even me, my parents will kill me if I move out of the house tapos hindi naman kami kasal. Honestly, feeling ko, bakit pa kayo magpapakasal kung nagli-live in na kayo?”


Aminado si Pauleen Luna na sa puntong ito ng kanyang buhay ay gusto na rin niyang magpakasal at bumuo ng sarili niyang pamilya.

Pero dagdag din niya, “Hindi naman ako mapilit na tao.

“I mean, if it’s not here this moment, okey lang naman.

“We’re very happy naman. Masaya naman kami.

“Kung hindi kami masaya, yun, magkakaproblema.

“But we’re very happy and yun lang muna ngayon.”

Ang tinutukoy ni Pauleen, 26, ay ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Vic Sotto, 61.

SIMPLE WEDDING. Kung sakali, simple lang daw ang kasal na gusto nina Pauleen at Vic.

“The simplest wedding ever,” sambit ng Kapuso actress-TV host.

“Simple lang, kasi if you know me and Vic, we’re very, very simple.

“We don’t want anything extravagant. “

Church wedding?

“Hopefully church po, pero ano… simple lang,” diin niya.

Napapag-usapan na rin ba nila ng kanyang mga magulang ang bagay na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi masyado!” natawang sabi ni Pauleen.

“Kasi, I don’t want to tell them anything unless na malalatag ko na ang plano.

“At hindi naman po ako nagmamadali.”

Gusto pa rin niyang i-enjoy ang kanyang pagiging dalaga?

Sagot ni Pauleen, “Basta ako, ini-enjoy ko kung ano ang ibinibigay ng Diyos.

“Kung as of now, ‘eto ako, trabaho, e-enjoy-in ko siya.

“If it’s time to take it one step up, e, di enjoy-in ko rin.”

Nakangiting sabi pa niya, “Contentment is key.”

Kung sakali, nakahanda na ba ang mga magulang niyang pakawalan siya at makitang ikinakasal?

“Ite-text ko sila, tatanungin ko!” tawa na naman niya.

Kung sakaling ikasal sila ni Vic at hilingin nitong huwag na siyang mag-artista, papayag siya?

Ayon kay Pauleen, “Hindi naman siguro full time na nasa bahay.

“But I would understand if ayaw na niya akong mag-soap. Kasi, it takes so much of my time.

“Ngayon pa lang, nagrereklamo na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero completely, hindi siguro. Ayaw ko rin na mangalawang.”

NO TO LIVE-IN; BABY BOOM. Sinabi rin ni Pauleen na kahit matagal na sila ni Vic, hindi talaga sila pumapasok sa set-up na magli-live in.

“Hindi rin naman po kami pro-live in.

“Even Vic, kahit noong bago pa lang kami, sinasabi niyang ayaw niya talaga ng live in.

“Even me, my parents will kill me if I move out of the house tapos hindi naman kami kasal.

“Honestly, feeling ko, bakit pa kayo magpapakasal kung nagli-live in na kayo?”

Nabanggit din kay Pauleen na sa dami ng expectant mothers ngayon sa showbiz, parang may 'baby boom.'

“Anong baby boom? Sa akin, taba lang, promise!” natawang sabi niya.

Hindi siya naiinggit kapag nababalitaan niyang buntis ang isang artista?

“Hindi naman kasi, alam ko na sa tamang panahon naman, darating din naman yun.

“Mahirap din naman yung… of course, to each his own.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know that for some people, they prefer that.

“Pero ako, mas prefer ko yung sa tamang proseso.”

Marami rin ang nagpakasal na celebrity couples.

“Ako, mas doon ako,” sabi ni Pauleen.

Papunta na ba sila sa aspetong iyon?

“I’ll cross the bridge when I get there,” sagot niya.

Pero posible kayang ngayong taon na ang kasal?

“Ay, hindi ko po alam, honestly.”

THIS IS IT. Sa isang hiwalay na panayam sa panganay na anak ni Vic na si Danica Sotto, sinabi nitong walang problema sa kanya kung maisipan nang magpakasal ng kanyang ama at ni Pauleen.

Ang dasal lang daw niya, sana ay walang magbago sa kung anuman ang nararamdaman nina Vic at Pauleen ngayon.

Read: Danica Sotto-Pingris hopes Vic-Pauleen relationship will last "till death do us part"

Pahayag naman ni Pauleen tungkol dito, “Ano na rin naman, mag-iilang taon na rin kami, at nararamdaman ko rin naman na wala nang magbabago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ‘eto na ‘to. I mean, I don’t think na dumaan kami sa stage na may pretensions, tapos lalabas yung totoong ugali after a while.

“I mean, we’ve known each other for quite a while.

“Kilala na niya ako, kilala ko na siya.

“Marunong na kaming mag-adjust with each other kung anuman ang kailangang ika-adjust.

“I don’t think naman na anything will change.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa magagandang salita ni Danica tungkol sa kanya.

Sabi ni Pauleen, “Masarap sa pakiramdam.

“Also kasi, it’s nice na nagkaroon na ako ng friendship with her.

“Yun ang pinakamasaya sa lahat.”

Napag-uusapan nila na kung sakali na siya ang magiging madrasta o stepmother ni Danica?

Mabilis niyang sagot, “Hindi. Hindi pa namin nararating ang bridge, naiku-cross.”

PRENUP. Isa pang “I’ll cross the bridge when I get there” ang sagot ni Pauleen nang tanungin kung papayag siyang magkaroon sila ng prenuptial agreement ni Vic sakaling ikasal na nga sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mao-offend ba siya kung sakali at sabihan siyang magpi-prenup sila?

“I’ll cross the bridge when I get there!” ang natawang sagot pa rin niya.

Napag-uusapan ba nila ni Vic ang tungkol dito?

“We don’t talk about it.”

Offending ba yun kung sakali?

“It has its pros and cons, so depende na lang kung ano ang mas mabigat.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close