Marian Rivera lets husband Dingdong Dantes make the announcement of gender of their first baby

Marian Rivera on husband Dingdong Dantes: “Sobrang maalaga talaga niya. Kulang na lang, minu-minuto i-text niya ako kung kumain na ba ako or kung okey ba ako or whatever na ginagawa ko. Thankful ako, at yun ang pinakamahalaga, nasusuportahan ka ng asawa mo sa lahat ng nangyayari, especially kapag buntis ka, especially kapag wala kang trabaho at nasa bahay lang ako. Ang importante sa akin, nandiyan siya palagi para sa akin.”


Kahit limang buwan na ang dinadala ni Marian Rivera ay hindi pa rin masyadong halata ang kanyang baby bump.

Halos lahat din ay nagsasabing napakaganda ng Kapuso Primetime Queen ngayon, kaya malaki raw ang posibilidad na babae ang magiging unang anak nila ng mister niyang si Dingdong Dantes.

Natatawang reaksiyon naman dito ni Marian: “Ganun ba yun? E, paano kung maganda, tapos lalaki pala ang anak ko?!”

Pero kailan nga ba nila ia-announce ang gender ng panganay nilang anak?

Nakangiting sabi ng aktres, “Actually, magkausap kami ng asawa ko.

“Sabi ko, ‘May presscon ako ngayon. Alam ko na hindi maiiwasang itanong ‘yan sa akin, sasabihin ko na ba?’

“Sabi niya, ‘Ako na lang ang magsasabi.’ Gusto niya, siya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Marian sa presscon para sa Hana Shampoo, nitong Huwebes, June 25.

Noong Father’s Day raw sana ia-announce ni Dingdong ang gender ng baby nila, pero hindi natuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Marian, “E, wala raw siyang mahanap na picture ko na malaki ang tiyan ko.

“Kasi nga, ayokong magpa-picture sa kanya.

“Puro stolen shot lang siya sa akin kapag pini-piktyuran niya ako.”

Pero nang mag-guest si Marian sa Tonight With Arnold Clavio ay nabanggit ng aktres na natupad ang hiling ni Dingdong na gender ng kanilang panganay na anak.

Read: Marian Rivera hints at gender of her baby: “Yun talaga ang gusto ni Dingdong.”

Ano ang naging reaksiyon ni Dingdong nang malaman nito ang gender ng kanilang magiging anak sa ultrasound?

Sabi ni Marian, “Actually kami, wala naman kaming pinipili, as long as healthy, normal na bata siya, okey na kami dun.

“Bonus na lang siguro kapag gusto namin ang ibinigay.”

At dahil nga gusto ni Dingdong ang ibinigay sa kanila, ano naging reaksiyon nito?

“Tuwang-tuwa siya, ‘kaloka!” natawang sabi ni Marian.

Sa kaso naman ni Marian, ano ang gusto niya—babae o lalaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Itong nasa loob ko ngayon,” nakangiti niyang sagot.

CARING HUSBAND. Puring-puri naman ni Marian si Dingdong dahil sa pagiging sobrang maalaga raw nito sa kanya.

Kuwento niya, “Sobrang maalaga talaga niya.

“Kulang na lang, minu-minuto i-text niya ako kung kumain na ba ako or kung okey ba ako or whatever na ginagawa ko.

“Thankful ako, at yun ang pinakamahalaga, nasusuportahan ka ng asawa mo sa lahat ng nangyayari, especially kapag buntis ka, especially kapag wala kang trabaho at nasa bahay lang ako.

“Ang importante sa akin, nandiyan siya palagi para sa akin.”

Patuloy ng aktres, “Sabi nga niya, ‘Kahit anong gusto mong pagkain, sabihin mo lang sa akin, kahit nasa taping ako, ipapadala ko.’

“So, siguro yun ang nakakatuwa, kaya enjoy na enjoy rin ako sa pagbubuntis ko talaga, kasi napaka-supportive talaga ng asawa ko.”

May mga ‘special request’ ba siya kay Dingdong?

Sabi ni Marian, “Alam niyo, napakabait talaga nitong magiging anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ni hiling or whatever, wala talaga akong hiniling.

“Wala talaga, siya [Dingdong] lang talaga.

“Kapag nakita ko siya, talagang gigil na gigil ako sa kanya.

“Kaya nga puro pasa rito, sobrang nanggigigil talaga ako.”

So, posibleng kamukha ni Dingdong ang baby nila dahil ito ang pinaglilihian niya?

“Malamang kamukha ni Dong talaga. Feeling ko talaga,” pagsang-ayon naman ni Marian.


DINGDONG AT HER SIDE. Isa lang daw ang gusto ni Marian kapag manganganak na siya—dapat ay nasa tabi niya ang asawa.

“Gusto ko rin talaga sana normal, kasi nga gusto ko marami.

“Kapag caesarean, di ba, dalawa o tatlo lang ang anak.

“At request ko talaga, kaming dalawa lang ni Dong.

“Sabi ko nga sa family ko at sa family ni Dong, kapag nanganak na ako, saka na lang nila ako puntahan.

“Kasi baka ma-pressure ako na ang daming maghihintay sa akin.

“So, mas maganda na after na lang.”

Nakahanda na rin daw ang ‘paternity leave’ ni Dingdong kapag nanganak na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masayang kuwento ni Marian, “Nagpaalam na siya sa GMA.

“One week lang yun, di ba? Okey na yun.”

May nabuo na rin daw silang ipapangalan sa anak.

Ayon kay Marian, “Matagal na yun.

“Actually, noong malaman kong buntis ako, one month pa lang yata, nagbuo na kami ng mga pangalan talaga. Sobrang ka-excited-an.

“Yung asawa ko yung, ‘Tingin mo, ano maganda?’

“Parang ako yung, ‘Dad, puwede bang palakihin ko muna ng konti?’

“Siya talaga yung excited talaga.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close