OMB Chairman Ronnie Ricketts posts bail to avoid arrest over graft case

Tuluyan nang sinampahan ng kasong katiwalian ng Office of the Ombudsman si Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts at apat pang tauhan ng OMB nitong Miyerkules, June 24, sa Sandiganbayan. Ito ay may kaugnayan sa raid ng ahensiya sa Sky High Marketing Corporation noong 2010, kung saan ang mga nakumpiska nilang mga DVDs at VCDs ay inilabas din sa kanilang tanggapan nang wala diumanong kaukulang gate pass.


Nagpiyansa ngayong araw, June 26, si Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts sa tanggapan ng Sandiganbayan.

Kahit wala pang warrant of arrest na inilabas ang korte, naglatag na ng piyansa si Ronnie upang makaiwas sa posibleng pag-aresto sa kanya ng anti-graft court.

Ito ay kaugnay ng kasong graft na isinampa ng Office of the Ombudsman laban sa kanya noong Miyerkules, June 24.

Makalipas ang halos walong buwan mula nang suspendihin ng Ombudsman si Ronnie, tuluyan nang sinampahan ng kaso sa Sandiganbayan ang actor-public servant, kasama ang apat pang tauhan ng OMB.

May kinalaman ito sa katiwaliang nangyari sa raid ng OMB sa Sky High Marketing Corporation noong 2010.

Matatandaang noong May 27, 2010 ay nag-raid ang mga operatiba ng OMB sa Quiapo, partikular na sa Sky High Marketing Corporatio, kung saan nakakuha sila ng 127 boxes at dalawang sako ng pirated DVDs at VCDs.

Dinala sa opisina ng OMB ang confiscated items pero inilabas din ito kinagabihan mula sa nabanggit na lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nadiin si Ronnie dahil sa statement ng mga saksi na, diumano, siya ang nag-utos na i-pull out ang confiscated items na isinakay sa elf truck ng Sky High Marketing Corp. na walang approved gate pass.

Read: Ombudsman upholds suspension of OMB Chairman Ronnie Ricketts

Bukod kay Ronnie, kabilang din sa sinampahan ng kaso sina OMB executive director Cyrus Paul Valenzuela, EID head Manuel Mangubat, EID investigation agent Joseph Arnaldo, at EID computer operator Glenn Perez.

Ayon pa sa naka-attach na certification sa isinampang reklamo: “The respondents unlawfully and criminally gave unwarranted benefit, advantage and preference to Sky High by not filing against the said company the appropriate charges under Republic Act 9239 or the Optical Media Board Act of 2003 causing 'damage and prejudice to the government and to the detriment of public interest.'

"This is to certify that a preliminary investigation has been conducted in this case; that there is sufficient ground to engender a well-founded belief that the crime charged has been committed and that the accused are probably guilty thereof.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


THE BAIL. Kasama ang kanyang legal counsel, nagtungo si Ronnie sa Sandiganbayan’s Fourth Division ngayong Biyernes upang maghain ng piyansang P30,000 para makaiwas sa posibleng pagdakip sa kanya ng mga awtoridad.

Isinagawa naman ng Fourth Division ang normal ‘booking procedure’ para kay Ronnie.

Hindi na na nagbigay ng anumang interview sa media ang aktor.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mahingan ng panayam si Ronnie, sa pamamagitan ng telepono, pero hanggang ngayon ay hindi pa ito tumutugon sa aming text.

Nagpadala na rin ang PEP ng mensahe sa kanyang sekretarya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close