Judy Ann Santos on alleged rift with Piolo Pascual: “We were never indifferent naman to each other.”

Judy Ann Santos clarifies that there’s no rift between her and Piolo Pascual, unlike what other people insinuate: “Siguro at that time lang ’kala nila ’di kami nagpapansinan or something, pero it’s nothing new to us. Nagbabatian naman talaga kami kaya nga we realized for quite some time na ’di kami nakikita ng mga tao na nag-uusap pero we talk, we’re friends.”


Nung nakaraang Linggo ay kumalat sa social media ang larawan nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual na magkasama sa set ng ASAP XX kung saan nag-guest ang aktres.

Kasunod nito ay ang pagpu-post ni Piolo ng larawan nila ni Juday sa Instagram account niya kunsaan nagpahayag ng saya at pasasalamat ang aktor sa dating kapareha dahil ang pagpapareha nila ang nagbigay ng biggest break sa kanila, at kasabay na rin nito ang pagbati ni Piolo sa muling pagbubuntis ni Judai at ang hiling na sana ay mabigyan sila muli ng pagkakataong magkasama sa isang proyekto.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Juday nung nakaraang Linggo sa ASAP XX, positibo naman ang naging pahayag niya sa hiling na ito ni Piolo at ang paglilinaw niya na matagal nang maayos ang samahan nila ng dating kapareha taliwas sa paniniwala ng iba na may problemang namamagitan sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi naman akong nagsasabi na wala namang imposible, I always answered that question. I’m not closing any doors, if a project comes at the right time, e di gumawa.

Read: Judy Ann Santos on Piolo Pascual’s wish for a reunion project: “Wala namang imposible, di ba?”

“Alam mo, nagkakasalubong naman kami ni Piolo sa mga shows, sa mga hallways, kanina lang yung medyo marami ang nakakita pero we were never indifferent naman to each other.

“Siguro at that time lang 'kala nila 'di kami nagpapansinan or something, pero it’s nothing new to us.

“Nagbabatian naman talaga kami kaya nga we realized for quite some time na 'di kami nakikita ng mga tao na nag-uusap pero we talk, we’re friends.

Nabalita rin na dapat ay sila Dingdong Dantes at Judy Ann ang gagawa ng pelikulang Walang Forever pero hindi ito natuloy kung kaya’t pinalitan sila nila Jennylyn Mercado at JM de Guzman. Ang kasalukyan niyang kalagayan ay ang dahilan kung bakit tinanggihan ng aktres ang nasabing proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, in-offer sa akin yun pero kailangan kong mag-step back because of my pregnancy.”

SHELVED MOVIE PROJECT. Ang seryeng Someone To Watch Over Me ang serye na dapat sana ay pagtatambalan nila Richard Yap at Juday under Dreamscape ang isa sa nakalinyang gagawin ng aktres pero hindi ito natuloy dahil din sa pagbubuntis niya. Naglabas naman ng statement ang Dreamscape na handa silang hintayin ang panganganak ni Juday at ang pagbabalik nito sa showbiz bago nila gawin uli ang seryeng nabanggit. Kinatuwa naman ni Judy Ann ang naging desisyon na ito ng nasabing Dreamscape.

Read: Preggy Judy Ann Santos on ABS-CBN's decision to postpone her teleserye until she gives birth: "Halos naiyak ako."

“Alam mo 'di ko inexpect na ganun ang outcome, decision ng Dreamscape.

“The last time I spoke to them regarding my condition, ako pa nga ang nagsabi na okay lang bigay na lang sa iba kasi ayoko namang maging greedy dun sa thought na dapat, 'Akin ‘yan, akin ‘yan, project ko 'yan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Di naman ako ganun, ayoko namang ibitin yung cast, yung crew, yung staff ng dahil lang sa akin.

“Everybody needs to earn a living so when they texted me the full announcement of Dreamscape siyempre nandun yung grateful ako, nandun yung pagpapatulo ng luha.

“'Di ko talaga in-expect that they will come to the decision na hihintayin ako and it’s gonna be a year from now.

“'Di ko rin masabi kung kailan ako makakabalik kasi panigurado magiging balloon ako nun but I’m very grateful, sana, sana talaga mahintay nila ako,” panalangin niya.

ON SHARON, KC. Isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Juday sa showbiz si Sharon Cuneta. Sa katunayan, parang magkapatid na ang turingan nilang dalawa. At bilang patunay nito ay dumalo ang Megastar sa nakarang Open Kitchen event kunsaan kasali sila Juday at Ryan at dito na rin ni-launch ang cookbook na sinulat mismo ng aktres. Nang hingan namin ng reaksyon tungkol sa nababalitang alitan sa pagitan nila Sharon at anak na si KC Concepcion, ayaw magbigay ng komento tungkol dito si Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Juday, “Of course naman, family naman kami ni Ate [Sharon], kung anuman yung achievement ng isa sa amin, achievement namin yun pareho.

“The mere thought Ate went out of her way to show her support, malaking bagay yun. Yung cookbook kasi is really close to my heart, baby ko talaga yun, e.

“Well, ang hirap magbigay ng comments pero mother and daughter, may mga frictions naman talaga 'yan, nama-magnify lang dahil parehong nasa industriya.

Read: KC Concepcion confirms rift with mom Sharon Cuneta

“Whatever issues they’re going through right now, let them be. 'Wag nang sumawsaw, 'wag nang palakihin pa kasi issue nilang mag-nanay yun.

“Wala tayo dun as tao ng showbiz, pagka naki-tsismis pa lalo lang lalaki so let’s let them be.”

COMFORTABLE WITH PREGNANCY. Kasalukuyang pinagbubuntis ngayon ni Juday ang pangatlong magiging anak nila ng asawang si Ryan Agoncillo. Bakas kay Juday ang kaligayahan sa bagong madadagdag na miyembro ng kanilang pamilya. Tinanong din namin siya kung totoo ba na si Ryan daw ang nakakaranas ng paglilihi sa dinadala niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaka-thirty seven ko lang din naman, kung aabante ako ng age baka mahirapan ako. Ngayon naman God’s will na nakabuo, 'di naman ako nahihirapan, may kaunting sakit ng balakang on the side pero bearable naman.

“Ngayon two weeks, two months and a half.”

“Palagi naman nilang sinasabi yun, pagka malakas kumain ang asawa o tulog nang tulog pero palagi naman siyang ganun, palagi siyang malakas kumain at antukin naman siya to begin with so hindi namin ma-define kung kailan siya naglilihi. 'Di ko alam sa hindi,” pahabol pa niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close