Aljur Abrenica open to rekindle relationship with ex-girlfriend Kylie Padilla: "I really admire her as a woman."

Aljur Abrenica on being on good terms with ex-girlfriend Kylie Padilla: “[It comes with] maturity, e. I’m happy right now kasi when we talk, before kasi hindi kami masyadong... Right now, kasi, mas nakikilala namin yung isa’t isa," said Aljur in an exclusive interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


Hindi inaasahang nagkrus ang landas ng dating magkasintahang Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa culmination ng GMA specialized acting workshop na ginanap sa Studio 7 ng Kapuso network, hapon ng Sabado, June 27.

Sa pangunguna ng batikang director/facilitator na si Laurice Guillen, tiyempong si Aljur, 25, ang nakasalang sa isang matinding eksena nang dumating si Kylie, 22, upang manood ng workshop.

Pagkatapos ay nakatanggap ng positibong feedback mula kay Direk Laurice si Aljur at iba pang kasamahan dahil sa magandang resulta ng kanilang eksenang hango sa isang sikat na pelikula ng director.

HAPPY TO SEE KYLIE. Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, ibinahagi ni Aljur na “hindi naman” siya na-distract nang makita niyang kasama ang ex-girlfriend niyang si Kylie sa audience.

“I'm happy she's here. Kasi magandang opportunity na makakakita ng ganitong workshop.

“I talked to her kanina lang.

“Sabi niya naiinggit siya sa workshop. Gusto niya maka[trabaho] si Direk Laurice,” bungad na pahayag ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago ito ay nagkrus din ang landas nina Aljur at Kylie sa Preview ball na ginanap noong gabi ng Biyernes, June 26.

Pagkumpirma pa ni Aljur, “Yeah, but we never had the chance na makapag-usap nang matagal.

“Kasi paalis na ako, parating palang siya.”

Ano ang reaksiyon niya sa ispekulasyong umalis siya ng Preview ball upang iwasan ang ex-girlfriend?

Sagot ni Aljur, “Kayo lang ang nag-iisip niyan.”

Ang totoo ay walang ilangan sa pagitan ng dating magkasintahan.

“Oo naman. Tawagin mo pa,” nagbibirong saad ni Aljur sa PEP.

KILIG FEELS? Sa kabila ng hiwalayan ng magkasintahan isang taon ang nakakaraan, kakatwang makitang tila mayroon pa ring kilig sa pagitan ng dalawa.

Nakaramdam ba si Aljur ng kilig nang makita si Kylie?

Sabi ng Kapuso actor, “Feelings will never go naman.

“It's how you'll face and handle the situation.

“[It comes with] maturity, e.

“I'm happy right now kasi when we talk, before kasi hindi kami masyadong...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Right now, kasi, mas nakikilala namin yung isa't isa. Alam mo yun?”

Ayon pa kay Aljur, naniniwala siyang pareho silang mas mature ni Kylie ngayon.

Aniya, “Yeah, it's really fun na makausap siya.”

Hindi kasi si Aljur ang tipo na naniniwalang hindi puwedeng maging magkaibigan ang dating magkarelasyon.

“Awkward lang yun kung iisipin mong awkward.”

Kamakailan lang ay kinumpirma ni Kylie na hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Matt Henares pagkatapos ng ilang buwan nilang relasyon.

Read: Kylie Padilla confirms breakup with Matt Henares

Naapektuhan ba si Aljur noong panahong may karelasyong iba si Kylie?

Sagot ni Aljur, “I'm happy for her. Alam ko yun kasi we talked about it.”

POSSIBLE RECONCILIATION? Ayon pa sa aktor, aware din siya na single ulit si Kylie ngayon.

“I'm still happy for her. Si Kylie, she knows what she's doing. She's a smart girl.

“Malaki ang respeto ko sa kanya. I really admire her as a woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung yun man maging decision niya [breakup with Matt], alam ko may reason.”

Sa parte ni Aljur, ibinahagi niya sa PEP na hindi pa siya nagkaroon ng panibagong girlfriend mula nang maghiwalay sila ni Kylie.

Natutunan kasi niya na patatagin muna ang kanyang pundasyon sa sarili at pakikitungo sa pamilya bago muling pumasok sa isang romantic relationship.

Sabi niya, “How can you have a good relationship with others kung hindi maganda relationship mo sa sarili mo?

“How can you have a good relationship with your girlfriend kung hindi maganda relasyon mo sa nanay mo at kapatid mong babae?

“That's what's important.”

Sa huli, tinanong ng PEP kung bukas si Aljur sa posibilidad na magkabalikan sila ni Kylie.

Sagot niya, “Oo naman. Hindi mo masabi. Tignan natin.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close