Nagkaroon ng quality time ang magkasintahang John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban nito lamang weekend, kasunod ng pagtanggi nila sa usap-usapang hiwalay na sila.
Sa kanyang Instagram account nitong Linggo, June 29, nag-post si Angelica ng breakfast date nila ni John Lloyd sa isang restaurant.
Ang maiksing caption ng Kapamilya actress sa nasabing post: “Breakfast date. Weekends are the best. We'll wait for another week again.”
A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onJun 27, 2015 at 10:24pm PDT
Una nang itinanggi ni Angelica ang isyung hiwalay na sila ni John Lloyd nang ma-interview siya sa awards night ng Gawad Urian noong June 16.
Read: Angelica Panganiban denies split with John Lloyd Cruz
Itinanggi rin ito ni John Lloyd nang makausap siya ng ilang miyembro ng press noong nakaraang linggo sa press visit sa taping ng Maalaala Mo Kaya sa Bataan.
Paniniyak pa ni John Lloyd tungkol sa relasyon nila ni Angelica: “We're okay. We're happy to be together.”
